ERW19

35K 1.1K 346
                                    

ERW19

"Fayre!"

"Fire, wala sa kabilang bundok ang kapatid mo!" saway ni Mama kay Fire na bigla na lang sumigaw ng malakas.

"Mama, si Fire oh..." sumbong ko at lumapit kay Mama na nasa kusina, abala sa pagbe-bake. Ito talaga ang hilig niyang gawin tuwing day-off niya. Si Daddy naman ay nandoon sa office niya dito sa bahay. Ginagawa lang atang work from home ang day-off.

"Mama kasi tinatanong ko pero ayaw sumagot." dahilan naman ni Fire at sinundan ako. Pumunta ako sa tabi ni Mama. Pumuwesto naman si Fire sa kabila.

"Sinasagot ko naman!"

"Weh? Hindi naman totoo!"

Mama sighed, looking very problematic on making her as our audience in our never-ending sibling fights.

"Sssh! Kids, umupo na lang kayo don sa sala." awat niya saamin.

"Anong gagawin namin don?" tanong ni Fire sa kanya na abala pa din sa pagmi-mix ng kanyang ibe-bake.

"Youtube? Netflix? Watch cartoons and calm down."

Napangiwi ako. Si Fire naman ay agad na nagreklamo dahil sa sinabi ni Mama. Tumawa naman si Mama at umiling saaming dalawa.

"Paano, para pa rin kayong mga bata..." natatawang saad ni Mama saamin. Umayos siya ng tayo at tinignan kaming dalawa. "Stay young at heart, my children. But don't fight and be mature..."

Sa huli ay inutusan niya na lang kaming dalawa ni Fire na tumulong sa kanya para matapos na ang away namin. Si Fire lang naman talaga iyong makulit. He's still asking me about the person who took the picture that I have as my DP-yeah, I learned that it was called a Default Profile AKA DP.

I told him it's just on timer and I'm alone. Pero hindi niya pa din ako pinapaniwalaan hanggang ngayon. It's been almost a month! Tuluyan ko na ngang natutunan kung paano ginagamit ang mga bago kong application pero hindi pa din siya tumitigil sa kakatanong.

Ewan ko, nahihiya akong aminin na may iba akong kasama... baka asarin lang ako ni Fire. O baka magalit siya dahil wala akong sinasabi tsaka hindi niya kilala kung sino ang kasama ko.

"I heard you're getting close to Allen..."

Natigilan ako dahil sa narinig ko kay Mama pagkatapos niyang ipasok sa oven ang kanyang cake. Naglakad siya papunta saaming dalawa ni Fire na magkatabing nakaupo sa bar stool. Nakita ko pa ang pagsimangot ni Fire sa aking peripheral vision.

"Tsss..."

Tumawa si Mama at pinitik ang ulo ni Fire. The latter groaned because of it.

"Stop being too possessive of your sister. You're both adults now. Allen's a good guy and he's your friend."

Maarteng umirap si Fire. "Mama, you just like him because he'll be a doctor too, soon..."

Mama snapped her fingers in the air and smiled widely. Nakita ko ang malawak niyang pag-ngiti saakin at kay Fire.

"Nope, but a very large bonus point," she said.

"Ganon na din yon!" Fire countered.

Mama just laughed.

Hindi ko alam kung paano ako makakasingit sa kanilang usapan o kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanila. Thinking of the way they are talking about me is making me so shy even to them. Sa kanila nga ako pinakahindi nakakaramdam ng hiya ngunit ngayon ay hindi ko na rin iyon mapigilan pa.

Siguro nga... kung iyon ba talaga ang tawag don, then I might really be getting close to Allen...

I don't really remember how did I escape the situation where he somehow... confessed. Dahil nga sinabi niyang hindi ako pwedeng tumanggi, I have no choice but to have lunch with him the other day. And we became busy together the following days outside the school because we're already conducting our case study. Obviously, kailangan ay magtulong kami doon.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon