ERW34
"I heard her scream..." saad niya noong makabawi.
Pumasok siya at kalmadong sinarado ang pinto. I stared at him like he wasn't real. It's been months since I last saw him. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip lang? Ayokong kumurap... baka mawala na nanaman siya sa mata ko.
"Good afternoon, Doc." bati niya. Tumayo si Daddy mula sa tabi ko at sinalubong siya ng pakikipagkamay.
"Mr. Del Real..." he greeted him.
"Doc..." bati niya ulit kay Mama.
I stared at him when he greeted Fire as well. Mukha siyang kandidato na kinakamayan ang pamilya ko pero hindi man lang ako binibigyan ng atensyon.
Noong tumama ang tingin niya saakin ay nawala ang ngiting binigay niya sa aking pamilya. My heart clenched painfully but the fact that he's here now... it doesn't even matter.
Kusang rumolyo pababa ang luha ko habang tinititigan ko siya. Lumukob saakin ang parehas na nararamdaman ko sa aking pamilya. I feel sorry again. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at unti-unti akong sumandal pabalik sa aking hospital bed.
"I'm sorry po. Pero pwede nyo po ba muna kaming maiwan?"
Agad akong napatingin sa kanya muli noong narinig ko ang kanyang sinabi. Bigla akong kinabahan dahil doon. I look at Mama and Daddy. Nakita kong nagkatinginan sila.
"Hindi pa namin siya pwedeng iwan, she's still not stable..." Fire said, objecting.
"It's okay. I can take care of her." sagot ni Theo ng hindi binabali ang tingin saakin. "Please trust me..."
Bumalot ang katahimikan sa paligid namin. I looked away and wipe my tears.
"Okay..."
Nakita kong tinapik ni Mama ang likod ni Fire na hindi pa rin ang naalis ang tingin kay Theo. Daddy waited for Mama and Fire to went pass him before he looked at me and smiled. Pagkatapos noon ay naglakad na rin siya palabas katulad nila Mama.
Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Theo noong tuluyan nang lumapat pasara ang pinto. He didn't proceed with the chair where Daddy was seated a while ago. Dumiretso siya saakin at umupo sa hospital bed kung nasaan ako.
"Th-"
Hindi ko na natapos banggitin ang pangalan niya dahil agad na niya akong binalot gamit ang kanyang bisig. Sinubsob niya ang kanyang ulo sa aking leeg habang mahigpit ang pagkakayakap niya saakin.
My tears fell. I sobbed hard and put my arms around him as well. I missed him so much. Alam kong hindi ko 'to dapat ginagawa. Sobrang laki pa ng kasalanan ko sa kanya, sobrang dami ko pang dapat ipaliwanag at ihingi ng tawad. But being in his arms is consoling me more than any place I'd rather be.
Naramdaman ko ang paghagod ng kanyang kamay sa aking likod na tila pinapakalma ako mula sa aking nararamdaman.
Akala ko magagalit siya... akala ko ay pagsasabihin niya ako pagkaalis nila Mama...
"Fuck, you don't know how scared you made me feel." bulong niya saakin habang mas lalo pang humihigpit ang yakap niya na parang may aagaw saakin sa kanya kung hindi niya gagawin.
"Akala ko mawawala ka na saakin... hawak-hawak at yakap-yakap kita pero parang nawawala ka na. Baby, I'm so fucking scared..." nangnginginig ang kanyang boses habang hindi pa rin siya umaahon sa pagkakasubsob mula saakin.
"I'm s-sorry..." bulong ko sa kanya gamit ang tanging lakas ng boses na mailalabas ko dulot ng aking pag-iyak. "I'm so sorry..."
Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanya. Ang mga salitang kanina ko pa gustong sabihin kala Mama ngunit hindi ko magawa dahil sa hindi ko magawang maharap sila, hindi ko magawang makahanap ng tamang salitang dapat sabihin habang pinapanood ang sakit na nakalatay sa kanilang mga mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/231974448-288-k212442.jpg)
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...