ERW8

41.8K 1.3K 539
                                    

ERW8

"Acquillas, Castellano."

Natigil ako sa pagd-drawing sa likod ng notebook ko dahil sa narinig kong pagbanggit ng pangalan ko. I heard a lot of frustrated groaned from my classmates who wants to be Allen's partner. Agad akong kinabahan.

Sumulyap ako sa gilid sa kung nasaan si Allen. Hindi ko na siya katabi katulad noong nakaraan. Free seating naman kasi halos lahat ng klase namin. However on some point, ico-consider mo na talaga ang isang upuan na para sayo lalo na kung doon ka talaga palaging umuupo. Parang may seat plan din pero walang nag-assign.

Nakita kong nakatingin na siya saakin agad noong sumulyap ako. I saw him smile at me when he saw my eyes turned to him. Huminga ako ng malalim at sinuklian siya ng maliit na ngiti.

At least... I tried smiling right?

Pilit muli akong nagbalik sa ginagawa ko kahit tuliro na ako dahil sa nalaman ko. Si Allen ang ka-partner ko! Sa totoo lang talaga, kung pwede lang mag-individual ay ginagawa ko na para hindi ko na kailangan pang mag-alala kung paano ba ako makikipag-interact kaso hindi ko naman ata kaya iyong individual, baka bumagsak lang ako sa subject na 'to.

Case study kasi ang final output namin para sa subject na 'to. Ayaw din ni Ma'am na kami ang magpa-plano ng kung sino ang magkasama dahil magiging bias na naman daw. Sa totoo lang, pabor ako don kasi wala naman akong close dito. Pero sa dami ng kaklase ko, bakit si Allen pa ang binigay saakin?

"Now go to your partners, I need at least 5 topics submitted to me, next meeting."

Nagbuntong hininga ako dahil sa aking narinig. I don't get why professors always ask for 5 topics and approve only one. Ang hirap kayang mag-isip.

Sinara ko ang notebook ko at inayos ang aking lamesa. Honestly, I'm trying to delay time because I don't want to interact especially to Allen. Tatayo na sana ako noong nakita ko na siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong kinabahan.

"Hey, we're partners..." bati niya saakin.

Hinila niya ang upuan sa kabilang mesa kung saan umalis ang nakaupo para puntahan ang ka-partner niya at inilagay sa gilid ko. He sat in it.

"Y-yeah..."

Tumikhim ako at nagkunwaring inaayos ang upuan ko pero sa totoo lang ay bahagya ko iyong inusod papalayo dahil masyado siyang malapit saakin.

"May naiisip ka bang topic?"

Napakagat ako ng labi dahil nahihiya akong magsabi sa kanya na wala akong maisip. Sa totoo lang, kapag nakarating ka na ng fourth year, parang ubos na lahat ng ideyang pwedeng maglaro sa utak mo. Well, para saakin kasi hindi naman ako matalino katulad ng ibang sobrang lawak pa ng nararating.

"I have some ideas, though. Pwede bang pahiram ng notebook at pen?" tanong niya saakin.

Walang salita kong inabot sa kanya iyon. Gusto niya atang i-illustrate sa unahan ko ang kanyang idea.

"Wow..." saad niya habang pinagmamasdan ang ilang sketch ko sa likod ng notebook ko. Doon kasi siya nagbukas. Who would use the front one for scratch anyway? Ang kaso nga lang hindi ko naalala na naroon pala ang mga drawing ko.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako lilingon habang pinagmamasdan niya ang mga iyon at minsan ay sumusulyap saakin.

"Sorry, am I making you uncomfortable?" tanong niya kaya agad akong tumingin sa kanya.

"No! Ahm... a-ayos lang..."

Ngumiti siya saakin. I caught it but I didn't try to look at his eyes. It's very awkward.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon