ERW28

34.9K 1.2K 705
                                    

ERW28

We tried our best to go to the best places here in Tagaytay even if we only have a little time Dumaan pa nga kami sa pinakasikat na Starbucks daw sabi ni Theo. I cannot help but agree on what he said because it literally has the best view!

Often times, I don't really enjoy being outside because I will always love to wrap myself in the comforts of my home, strictly my bedroom. Sumasama naman ako kapag may family outings kami pero hindi ko rin iyon gaanong naeenjoy. Kaya akala ko talaga never kong ma-aapreciate ang paglabas. Kasi minsan, ilang minuto pa lang akong nasa labas ay gusto ko na agad umuwi.

But now... the time is just really unfair to run so fast so we have no choice but to go home.

"We didn't go to Sky Ranch, though..."

Sumulyap saakin si Theo at ngumiti. "You won't like it there."

I chuckled and stared at him with amusement. Hindi ako makapaniwala na alam niya iyon kahit wala naman akong sinasabi sa kanya!

"Paano mo nalamang ayoko sa mga amusement parks?" tanong ko sa kanya.

He chuckled and shook his head. "Judging your personality and nature? You wouldn't like that..."

Napanguso ako. That's right. Amusement parks are too noisy for me. Hindi ko naman sinasabing hindi maganda doon pero hindi ko pa din gusto halos. Isa pa, I'm not really the type of person who will enjoy rides, especially those extreme ones. I would rather have myself sit in the corner and just get lost in a blank space.

"Kill-joy ba? Boring?" tanong ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at muling sumulyap saakin.

"Why would you? We all have different ways to live and different things we enjoy. In your case, it's silence and peace."

Pinigilan ko ang pag-ngiti ko noong marinig ko iyon sa kanya ngunit hindi ko pa rin magawa.

"Theo..." tawag ko sa kanya.

"Ano? Gwapo ko?" tanong niya.

I blushed immediately. Narinig ko ang paghalakhak niya dahil sa pag-iwas ko ang tingin sa kanya. I can't believe he turned everything against me! Parang kanina lang ay siya iyong natigilan at namula pero ngayon ay ako ang inaasar niya!

"Ewan nga..."

He chuckled. "May isa pa tayong dadaanan... is it okay? Hahanapin ka na ba?" tanong niya saakin.

"Wala namang tao sa bahay." mahinang sagot ko sa kanya.

Nasa trabaho kasi sila Mama, palagi namang gabi na ang uwi ng mga 'yon pero hindi naman sila katulad ni Fire na pinapaliguan ako ng tanong kapag umuwi ako ng late.

Si Fire naman ay nag out of town vacation kasama ang mga kaibigan niya. Pinipilit niya pa nga akong sumama dahil kasama naman daw si Allen at Hero na alam niyang naging malapit na rin saakin pero hindi pa din ako pumayag sa kanya. I just don't think I will enjoy especially if I would just be eaten out by guilt the whole time.

Isa pa, alam ko kasing uuwi na rin si Theo.

"So pwede ka pang magtagal?" tanong niya ulit saakin.

"Saan ba kasi?"

Ngumisi siya. "Di ka masu-surprise, don't worry."

Indeed, I wasn't surprised. Agad ko kasing nakilala ang daan na tinatahak ng kotse niya at alam kong papunta kami sa art studio niya.

"Art studio?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya habang tumatawa. "Sorry, may dadaanan lang ako don tapos ihahatid na kita agad."

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon