ERW35
Agad na dumapo ang tingin nila Mama saakin noong pinagbuksan sila ni Theo ng pinto. I know they are wondering what took us so long. Halos isang oras din ata na kaming dalawa lang ang nasa loob.
I suddenly wonder if they really just stayed out. Bigla akong nakakonsensya at nahiya...
"Are you okay, Sey? Do you need anything?" agad na tanong ni Mama at lumapit saakin.
Umiling ako sa kanya. "Wala, Ma..."
Nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. She turned at Theo and then, to me again. Magtataka pa sana ako kung bakit ganon ang reaksyon niya noong bigla kong maalala na hindi ko nga pala sila pinapansin kanina.
Umiwas agad ako ng tingin noong maramdaman ko na naman ang guilt. Dumiretso si Fire at Daddy sa sofa habang si Mommy naman ay umupo sa tabi ko. Theo stood while leaning on the wall just in front of my hospital bed.
Tumaas ang kilay niya saakin. Naghihintay ng desisyon ko. Kinakabahan ako magsalita. I don't think it's the right time...
"So..."
Napatingin ako noong magsalita si Mama sa tabi ko. Doon ko lang napansin na kanina pa sila walang salita at tila may ibang hinihintay. Mama smiled warmly at me. My heart clenched as I caught how beautiful her smile is... parang bang wala akong nagawang malaking kasalanan sa kanya, sa kanila.
Nilingon ni Mama si Theo bago niya binalik ang tingin niya saakin. Huminga ako ng malalim. Mukhang kahit hindi pa ako handa ay wala na akong choice dahil puno na din sila ng tanong.
I look at Daddy and Fire. Katulad ni Mama ay ganon din ang tingin nila saakin. Mukhang pagpasok pa lang nila ay inaasahan na nilang may malaman. Tumindi ang tibok ng puso ko.
"That's Theo..." mahina kong sabi at sumulyap sa nasa unahan ko. Theo smirked at me. I sighed. He's enjoying this, huh?
"My boyfriend..." mas mahina kong saad.
Dahil pinakamalapit saakin si Mama ay nakita ko agad ang panlalaki ng mata niya dahil sa narinig saakin. Si Daddy at Fire naman ay kumunot ang noo.
"Ano? Di ko narinig?" tanong ni Fire at tumayo para lumapit sa kung nasaan ako.
Huminga ako ng malalim.
"Oh my..." rinig kong saad ni Mama habang nakatingin kay Theo na parang may himala na nasa harap niya.
"Ano daw yon, Ma?" naiinip na tanong ni Fire dahil hindi siya nakakuha ng sagot saakin.
"Boyfriend daw..." malakas na sagot ni Mama na siguradong magiging malinaw na para sa dalawang lalaki ng pamilya.
"What?!" sabay nilang sigaw.
Agad kumalat ang init saaking mukha at umiwas ng tingin. Umalis naman sa pagkakasandal si Theo at confident tumayo. Hindi ko maiwasang mamangha dahil confidence na taglay niya. Hindi man lang ba siya nahihiya?
Pero sabagay... for a person with good looks, good name, good background, having a huge career success like him... confidence like that should be expected.
"You're her boyfriend?" tanong ni Daddy.
"Yes, doc..."
"What... paano..." naguguluhang tanong ni Fire.
Hindi ko na nagawang pigilan pa sila noong dinumog nila si Theo ng tanong. Pati si Mommy ay umalis sa tabi ko upang pumunta sa sofa kung saan pinaupo nila si Theo at inintriga.
Iniwan nila ako dito sa hospital bed ko ng mag-isa at gumawa ng sariling mundo kasama si Theo. But instead of being pissed that they forgot about me, I felt a hollow feeling in my chest...
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...