ERW10

37.9K 1.2K 377
                                    

ERW10

Tahimik kaming dalawa ni Fire noong nagsimula na siya muling mag-drive. Ang ilang butil ng aking luhang pumatak ay hindi na nasundan pa. Nanatili na lang akong nakatingin sa bintana habang nasa daan. I was waiting for him to speak up but he's still maintaining his silence.

"Sorry..." natigilan ako sa pag-alis ng aking seatbelt noong makarating kami sa bahay noong bigla siyang nagsalita.

I looked at him. Nananatiling siyang nakatigil sa huli niyang posisyon, nakahawak sa steering wheel. Kumirot ang puso ko habang tinititigan ko siya. He looks very guilty but I feel more guilty that I just received a sorry for the lie that I said.

Ako ang dapat humingi ng tawad, Fire.

"Sorry din..." saad ko at inabot ang kanyang kamay. I held it with mine and squeeze it. Naramdaman ko ang pagbabalik niya sakin ng pagpisil sa kamay ko bago ko binitawan ang kanyang kamay.

Nauna na akong pumasok sa loob dahil inasikaso niya pa ang mga kaibigan niyang naunang dumating saamin dahil sa sandali naming pagtigil kanina. Nakita ko pa ang antisipasyon mula sa kanila na lalapit ako ngunit mabilis akong pumasok sa bahay, hindi katulad ng inaasahan nila.

"May mga kasama po si Sir, Miss?" tanong saakin ng isa sa aming kasambahay.

I nodded at her. Iyon lang ang tanging kong sinagot at agad na akong nagtungo sa aking kwarto. I immediately locked my door and lie in my bed. I stared blankly at the ceiling. I tried my best to empty my mind from the thoughts that are consuming me. Hindi naman siguro ako pupuntahan ni Fire para ayaing sumama sa kanila dahil sa huli naming pag-uusap.

I lifted both of my hands. Nilislis ko ang aking long sleeve tinitigan ang aking pulso. The scars of what I did and what I am continuously doing to myself never vanished. Tanda iyon ng bawat beses kong pagsubok na kumawa ngunit hindi pa rin ako makaalis sa taling pumipigil saakin.

I'm still not free...

Minsan, hindi ko rin maiwasang maisip... ano ba talaga ang sunod ng kamatayan? Will I be really free after I die? O may bago na naman akong kakaharapin? Mas gugustuhin kong maglaho na lang... I don't want to continue anything if there can be a life after death...

Living is extremely exhausting. It's nothing but a pure burden.

Noong nakaipon na ako ng lakas para tumayo ay nagtungo na ako para magpalit ng damit. I wore a black hoodie and a shorts. Kapag nasa bahay ay palagi akong naka long sleeve o kaya jacket. Ganon din naman kapag nasa labas pero hindi ay nagsusuot ako ng mga bangle upang takpan ang aking mga kasalanang nakaukit na sa aking balat.

Bumalik ako sa aking kama pagkatapos kong mag-palit. I reached for my phone and I saw Theo's name. My phone's recently becoming active because of him. Dati ay puno lang iyon ng mga apps kung saan ako nanunuod ng mga movies at series pati mga apps kung saan ako pwedeng magbasa ng e-books at novels.

Theo:

Pwede magtanong?

Ngumuso ako at nag-iba ng posisyon sa pagkakahiga. Tumagilid ako at inagip ang isang unan ko upang iipit sa aking mga hita.

Ako:

Depende.

He replied fast.

Theo:

Pwede tumawag?

Nanlaki ang mata ko at napaayos ako ng higa. I laid flat on my bed again. Tinaas ko ang aking cellphone at paulit-ulit na binasa muli ang kanyang message.

Tawag?

Halos maihagis ko ang cellphone ko noong nakita ko ang pangalan ni Theo sa screen ng cellphone ko. Totoong tumatawag nga siya saakin kahit hindi pa ako sumasagot!

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon