ERW13
Fire:
Al's asking for your number, Sey. Para daw sa case study nyo. Is it okay for me to give it?
Agad akong natigil sa paglilinis ng sugat ko at binigyang pansin ang cellphone ko na nasa parehas na study table ko din kung nasaan ako. Hinawakan ko ang cellphone ko at nagtype ng sagot.
Ako:
Yup. Thanks for asking, Fire.
Hindi niya naman kailangang gawin iyon ngunit natutuwa pa rin ako na sinusubukan niyang bigyan ako ng sarili kong espasyo, katulad ng hiniling ko noon. But also, it's hurting me that he's doing everything for me and here I am... with another day of wishing I didn't wake up.
Fire:
Always. Text you later. :-*
Binalik ko na sa dating posisyon nito ang cellphone ko at hindi na nagreply pa sa kanya. I continued cleaning my wounds again.
Yes, it was nothing but a plain failed attempt once again. Akala ko kaya kong panindigan na pipiliin ko ang desisyon ko, pero hindi pa rin pala. Hindi ko pa din magawang makawala kahit ayoko na... the thought of Fire, Mama, and Daddy will always be beautiful for me. Beautiful, painful, and a big burden to carry. At dahil doon, kahit anong subok kong umalpas sa mga pumipigil saaking umalis, hindi ko pa rin magawang mabuhat ng lubos iyon para pakawalan ako.
My love for my family is overflowing that I am trying to endure how miserable I can be. Ako, ang buhay ko, ang paghihirap ko, ang sakit, kapalit nila at ng mga kasiyahan nila.
Noong matapos akong maglinis ng sugat ko ay humarap ako sa salamin at pinakatitigan ang sarili ko. I'm thin and fair. Mahaba at itim ang aking bagsak at tuwid na buhok. May pagkasingkit ang aking mga mata. My nose is small and my lips are naturally pink, however, today, it is paler than the usual. I am wearing an oversized gray sweater, a denim ripped jeans, and white sneakers.
I tucked the front part of my sweater inside my jeans. After, I combed my hair and try to put some color on my face. Marunong naman akong mag-ayos ng kaunti dahil nga kailangan kong itago ang pamumutla ng mukha ko. I may be dead inside but I don't want to look dead outside too.
Kinuha ko sa rack ng aking bags ang maliit kong backpack at inayos ang ilang ilalagay ko doon.
Hinagip ko ang cellphone ko noong nakita ko ang pag ilaw nito dahil sa panibagong message. Inilagay ko ang aking backpack sa likod ko. Hinawi ko nag buhok ko upang mapunta ang lahat sa likod ko. I opened my phone.
Unregistered Number:
Hi Sey! This is Allen. Good morning! Nakuha ko yung number mo kay Fire. I hope it's okay.
Tumigil ako sa harap ng pinto ng aking kwarto at nagtype ng text. I am much comfortable with this kind of convo than face to face. Ni hindi ako nakaramdam ng kaba.
Ako:
Yup. Fire informed me. Good morning din :)
Noong naisend ko iyon ay binuksan ko na ang aking pinto at naglakad na ako pababa. Nakapasok na sa trabaho sila Mama at Daddy at nasa school naman si Fire. Kasambahay na lang ang naiwan dito. Sa totoo lang, hirap na hirap akong harapin sila kaninang umagahan. I feel sorry for them because of I am doing and I feel sorry for myself for being in the same place again for the nth time. I hope it can be easy to just let go...
"Ma'am, aalis po kayo?" tanong saakin ng isang kasambahay na nakasalubong ko. I don't really know their names because I never asked them. Komportable ako sa kanilang presensya ngunit hindi ko rin sila kinakausap kung hindi naman sila nagtatanong.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...