ERW40
I wonder how much suffering does I owe from the heavens. Ganon na ba talaga ako kasamang tao para magdusa ng ganito? I must really be... because every time I tried, I felt like I was always put back to life so I could suffer again.
Nakakuyom ang dalawa kong kamay habang mariing nakapikit ang dalawa kong mga mata at malayang tumutulo ang luha ko. I tried by best to fight back my whimpers and sobs.
Parang nahahati hindi lang buong puso ko kung hindi pati ang buo kong pagkatao habang nakikinig sa malakas na iyak ni Mama. Ayoko... ayoko pang buksan ang mata ko at makita ang lahat.
"Akala ko... akala ko ayos na... akala ko ayos na siya. She was very fine. She was smiling at me every day. She's greeting me with sparks of joy, she's laughing with me. She's telling me a lot of good stories." mas lalo siyang humagulgol. "Tell me... tell me what went wrong. Am I being so neglectful? Ano pang mali? Ano pang kulang? Dyos ko... ang anak ko... akala ko mawawala saakin ang anak ko..."
Hindi ko kayang marinig. Hindi ko rin kayang iwasan. Sobrang sakit na marinig sa kanyang bibig ang lahat. My mother...
"Ano bang kulang ko? Ano bang dapat kong gawin? Countless of times! I nearly lose her countless times yet I was never there! I was never there for her! Oh my god, my baby... I'm so sorry... I'm so sorry, Sey... hindi alam ni Mama lahat ng pinagdadaanan mo. Ang sama ko... ang dami kong natutulungang tao pero hindi ko naman magawa sa anak ko..."
I bit my lips hard. I know she's crying to Daddy because I can also hear my father's low voice comforting her. Ramdam ko ang mabibigat na hininga ni Daddy na parang nagpipigil lang din sa sarili niya.
Ano na naman bang ginawa mo, Sey?
Hanggang kailan ka ba magiging malaking bato na nakapatong sa dibdib ng mga magulang mo? How long are you going to hurt them?
"Ssshh... sleep..." I heard a voice said as I felt a warm hand on my cheeks wiping my tears.
Fire.
Oh my god.
Hindi ko na napigilan pa ang pagkawala ng maliliit na hikbi sa akin. Mas lalo kong pinikit ang mata ko dahil baka sa oras na buksan ko ito ay mawala na naman siya sa tabi ko. Ayoko... ayoko na...
"Hush..." bulong na tila kay lambing ng tinig na kay tagal ko ring hindi nadinig. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking buhok na tila hinehele ako upang muling bumalik sa pagtulog.
"I'm sorry, Sey... please... please live. I'm sorry. Mama's sorry for making this hard for you. But I still wanna see you everyday. Ang dami ko pang gustong gawin kasama ka... ang dami ko pang pangarap para sayo, anak... but it's okay... I won't care if those won't ever came true as long as you are here. As long as you are alive... anak... wag mo naman kaming iwan..."
I'm sorry, Mama... I'm really sorry.
Kahit takot man ako sa makikita ko sa oras na ibukas kong muli ang mata ko ay ginawa ko. I opened my eyes slowly as the a familiar room immediately greeted me. Once again... in a hospital.
"You're awake..."
Napalingon agad ako sa taong nagsalita. Ngumiti saakin ng maliwanag si Mama kahit kitang-kita ko ang pagiging pugto ng kanyang mga mata.
She walked towards me and caress my face.
"You need anything? Do you wanna sit? Water?" tanong niya saakin ngunit agad din siyang kumilos para tulungan akong makaupo. Hindi man ako sumagot ay binigyan niya pa din ako ng tubig. Bumalik siya sa sofa at nagpatuloy sa pagbabalat ng apple.
"Gutom ka ba? What do you wanna eat? We can ask your Daddy to bring some. Or you wanna go to the comfort room?" tanong niya saakin habang nakatutok ang atensyon sa mansanas.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...