ERW22

34.7K 1.2K 671
                                    

ERW22

Is it really Theo, though?

Tumigil siya sa pagta-type. Inalis niya ang tingin niya sa desktop at nilingon ako. Mabilis kong nilipat ang tingin ko sa pine-paint ko at nagkunwari na doon nakatuon ang atensyon ko. I heard him made a small sound like he caught a bird gawking at him.

"What is it?"

Natigilan ako sa pagpapanggap. Halata namang nahuli niya ako dahil huli na noong umiwas ako ng tingin. My face heated out of embarrassment.

"Wala..." sagot ko at bumuntong hininga.

Tumaas ang kilay niya. I panicked when he stood up from his swivel chair and started walking near me.

"W-wala nga!" sabi ko sa kanya.

He looked at me with his eyes full of doubts, silently telling me I can't trick him from believing now.

"Ano nga?" tanong niya saakin. Lumapit siya at sinulyapan ang ginagawa ko pero hindi rin iyon nagtagal doon dahil ibinalik niya ang tingin niya saakin.

"Kailan finals nyo?" tanong niya saakin.

Natigilan naman ako dahil sa tanong niya. Muntik ko nang mailapat ang kamay ko sa binti ko dahil sa malalim na pag-iisip para sa tanong niya. Buti na lang ay napigilan niya ang kamay ko.

"Hala!"

Agad niyang kinuha saakin ang paintbrush na hawak ko na muntik nang sumayad sa puting uniform ko. Kinuha niya na din saakin ang palette na nasa kabilang kamay ko na parang hindi pa rin safe ang uniform ko hanggang may hawak ako.

Pinanood ko siyang ilagay iyon sa long table bago niya binalik ang atensyon niya saakin.

"So?" tanong niya.

Napakagat ako sa labi.

"Next week na ata." sagot ko sa kanya habang binabalikan sa utak ko ang petsa ngayon at ang date na ibinigay saamin para sa finals week.

"May binigay na bang schedule para sa inyo?" tanong niya saakin.

Tumango ako sa kanya at sinulyapan ang ginagawa ko saglit. Umikot ako upang maging kaharap niya.

"Yung iba meron na. Why?"

He nodded. His forehead is slightly creased while thinking hard.

"Let's do your review plan."

Napakurap ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi agad iyon nagproseso sa utak ko hanggang lumipas ang ilang segundo.

"Review plan?" I asked him.

Tumango siya saakin at naglakad pabalik ng kanyang desk. Wala sa sarili naman akong sumunod sa kanya. Pilit kong iniwas sa purong puti kong suot ang mga kamay kong puno ng paint. Though, ayos lang naman dahil wala na naman akong susunod na klase pero ang pangit dahil kitang-kita ang dumi kapag sa puti kaya iniiwas ko pa din.

"Yup. Di ba sabi mo hindi ka na pwedeng bumagsak?" tanong niya saakin at umupo sa swivel chair. "We need your review plan."

I slightly pouted. Hindi ko alam kung magiging effective ba 'yon. Mukhang wala na talagang pag-asa eh. My grades are really just going down. Pero hindi ko pa ding maiwasang hindi ma-touch sa ginagawa niya ngayon. Seriously... how could I ever thank him for everything that he has done for me?

I chuckled when I saw how he created a time table on his desktop. Naghila ako ng stool at saka ako umupo sa tabi niya.

"Operation: Sagip Grade..." tumatawa kong basa sa ginawa niyang title sa file na ginagawa niya. He chuckled too.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon