ERW3
I don't know what happened after Theo ask me if I want to go with him in an art expo and I happily said yes. Hindi ko rin naman alam kung paano malalaman kung ano ang iba pang detalye na iyon dahil pagkatapos kong sumagot ay nagpaalam na siya at pumunta sa kanyang pamangkin.
I mean, mukhang hindi na iyon matutuloy dahil wala pa din naman akong nakikitang sign niya kahit lumipas na ang isang linggo. Though, I'm a bit sad because of expecting much from it, wala din naman akong dapat ikasama ng loob dahil hindi naman siya nangako. Baka nakalimutan niya lang talaga iyon.
His presence is weird for me. Wala akong ideya tungkol sa kanya. All I know is his name is Theo, he's an architect, and his family lives in our neighborhood. I just know him for one day at masasabi kong ang bilis ng proseso ng pagiging komportable ko sa kanya kaysa sa ibang tao... he didn't show up again though...
My phone rang. Agad ko iyong hinanap sa bag ko. Unfortunately, noong mahagip ko na iyon ay may nakabunggo ako.
I groaned.
"Sorry! Are you okay, Sey?"
Agad akong kinabahan noong maramdaman ko ang hawak niya sa braso ko. Hindi naman ako natumba pero napaatras ako ng bahagya.
"N-no, ayos lang. Hindi naman kasi ako nakatingin." Hindi ako makatingin ng ayos sa kanya habang nawala naman ang pagtunog ng phone ko. He's already wearing his jersey, first game kasi nila para sa season na ito ngayon kaya wala na ding tigil sa katatawag si Fire.
"Are you going there?" turo niya sa gym.
Tumango ako.
"Sabay na tayo." nakangiti niyang saad sakin.
Wala akong nagawa dahil hindi naman ako makatanggi. Wala na rin akong mahanap na dahilan because in the first place, doon ang direksyon ko. Anong palusot ang magagamit ko para makawala? Wala.
Damn.
My phone rang again. Nahihiya akong sumulyap kay Allen at sinagot ang tawag ni Fire.
"Where are you? Wag mong sabihing umuwi ka na?" nagtatampo niyang saad sa kabilang linya. My lips curved a little. Imagining him is cute. Pero agad kong naalalang kasama ko nga pala si Allen!
"A-ano... papasok na ko." Nauutal kong saad, naiilang kasi ako dahil nakatingin pa rin sakin si Allen.
"Great! Cheer for me!" Sumigla ang boses niya dahil sa sinabi ko.
"Y-you know I don't cheer!" medyo napalakas ako dahil sa reklamo kong iyon. Nakagat ko ang labi ko noong sumulpot ang multong ngiti sa labi ni Allen habang nakikinig saakin.
Hindi sumagot si Fire kaya napabuntong hininga ako.
"Goodluck, Fire. I know you can do it like you always do." mahina kong sabi at pinatay ang tawag.
I look at Allen and he's looking at me seriously.
"T-tara."
Tumango siya. I keep my distance from him. Sinigurado kong malayo ako sa kanya na hindi magkakamaling magdikit kami.
"Paano mo nga pala ako...hmm... nakilala?" I tried to strike a conversation dahil baka mamatay ako sa sobrang awkward.
He look at me like I said a weird thing. Parang may malaking tanong sa kanyang mga mata kung totoo ba ang narinig niya saakin.
"Are you serious, Sey? You're Fire's sister at magkaklase tayo."
Tumango ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, magkaibigan sila. Hindi na nasundan ang tanong ko at hinayaan nalang kahit sobrang awkward, konting lakad nalang nasa gym na kayo, Sey.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...