ERW5
Hindi na siya muling nag entertain ng mga bumabati. He just greeted them back but he always excuse himself kapag humahaba na ang usapan. I'm willing to wait, but he never let me to. Nakapili din kami ng painting na bibilihin niya para sa condo niya. It's a very simple composition of asymmetric shapes that forms a human face.
Halos hindi ako makatulog dahil sa experience ko na pag attend ng isang art expo. I felt overwhelmed and very happy. Sa totoo lang, ngayon ko lang naramdaman ang ganoong uri ng kasiyahan mula sa matagal nang panahon. Because when I grew up, the pure mind that I had once when I was a kid was stolen to me and was switched with a dark and cloudy one.
Tumayo ako sa kama at umupo ako sa study table ko noong hindi talaga ako makatulog at biglang mag sumulpot sa isip ko na gusto kong gawin.
I opened my laptop and searched for Theo's name on Chrome. Mas madaling magsearch doon kaysa sa iba't ibang social media sites dahil connected halos lahat doon.
I heard his friend call him Theodore... Theodore Del Real then? It's not a rocket science.
Akala ko ang bubungad pagka-enter ko ng kanyang pangalan sa search engine ay ang social media accounts niya. My lips parted when I saw a Wikipedia article... what the f...
"Shit?"
Is he that relevant that he actually has his own information details?! He said he's an architect. Iyong mga taong may wiki page ay mga artista, kilalang mga tao, the ones who rewrite histories... business magnates...
25 years old... he's 5 years older than me! Well, ine-expect ko na naman na mas matanda nga siya saakin ngunit hindi ko akalain na kalahating dekada... he looks very carefree to me.
"Oh my god..." usal ko at napatakip ako ng bibig noong mabasa ko ang isang impormasyong halos napalaglag saakin sa kinauupuan ko.
This is a mistake. Mukhang hindi na talaga ako makakatulog ng maayos nito.
"Sey."
Lumingon ako kay Fire pagkarinig ko sa tawag niya. Nakatingin siya sa daan pero alam kong may sasabihin siya, he's just focused on driving.
Kanina pa ako tulala sa labas ng bintana. Wala pa atang dalawang oras ang tulog ko dahil patuloy akong binabagabag ng isipan ko.
Sino ba namang makakatulog? I don't know anything about him the whole time yet I was with him! Kaunti lang ang nalaman ko ngunit sapat na iyon para hindi ako patahimikin ng kaba at hiya para sa sarili ko.
He's Theodore Rhys Del Real. At the age of 25, he's the President and CEO of Del Real Construction Firm. Imagine? Isa iyon sa pinakamalaking construction firm ng bansa! I also found out that he also graduated from my school, Saint Anne University. He's a renowned architect- no scratch that, he's a board top notcher!
Ano ba talagang pinasok ko? Bakit bigla ko nalang siyang nakita na bahagi ng buhay ko sa isang iglap? I mean... are we even friends?
"Hoy."
Napakurap akong muli. This time, Fire already gaze at me with his forehead, creased.
"Are you okay?" tanong niya.
Umayos ako ng upo at tumikhim. Tumango ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko agad.
"Magba-bar kami mamaya. Wanna go?"
Napabuntong hininga ako. At least, sinabi niya ng maaga ngayon kaya alam ko kung anong dapat kong gawin.
"No, Fire, but enjoy. I'll contact Kuya Ed nalang to fetch me."
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...