ERW18
"The scene felt very familiar with me..." saad ni Theo saakin at ngumiti. "But it's also making me think..."
Taka ko siyang tinignan. Muli niyang sinulyapan ang aking painting, dahilan kung bakit tinignan ko ulit iyon. What seems so familiar with him?
"Light of Darkness... was it the name?" tanong niya saakin.
Muli ko siyang nilingon at tumango naman ako. Ngumiti siya saakin.
"It's very meaningful..." bulong niya ngunit narinig ko naman. Hindi ko nga lang mahulaan kung ano ang nais niyang sabihin. Bukod kasi yata sa aking paliwanag ay mayroon din siyang naiisip na iba pa.
Bago ako pumasok sa banyo ay nakita ko siyang nakasandal sa kabisera ng long table habang ang kanyang tingin ay diretso sa gitnang painting ni Caiser. Ilang segundo akong natigilan habang pinapanood ko siya ngunit nagpasya na din akong pumasok sa loob upang maglinis.
Binilisan ko ang paglilinis ng aking balat na mayroong kayat ng pintura. I also did my comfort room business and I fixed myself. Muli ko nang inilugay ang buhok ko at sinuklay.
Noong lumabas ako ay nakita ko siyang kunot noong nakatingin sa cellphone ko. Naroon na siya ngayon sa desk niya. Dumiretso ako sa kanyang lugar dahil nandoon din ang bag ko.
"What's wrong?" tanong ko.
"Someone texted you." nakakunot noo pa rin siya at binigay niya saakin ang cellphone ko na agad ko namang tinanggap. I saw Allen's name on my screen.
Binalik ko ang tingin ko kay Theo na seryosong nakatingin saakin. Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa binibigay niyang ekspresyon saakin. Why is he looking at me like that... nakakatakot siya.
Binalik ko ang tingin ko sa text ni Allen.
Allen:
Sey, where are you?
I have something to ask. Are you free?
Can we talk?
Sey?
I bit my lips. Sunod-sunod iyon at parang urgent. Hindi ko naman alam kung para saan. Agad akong natype ng sagot.
Ako:
Hey, pabalik na ako sa school. Is there something wrong?
Binaba ko ang cellphone ko at tinignan si Theo na patuloy pa ding pinapanood ako. Umalis ako sa harap niya at pinuntahan ang bag ko.
"Hatid na kita." saad niya at umayos ng tayo. Hinagip niya ang switch ng kurtina at pinindot iyon upang sumara ang iyon.
"Di ka pa ba late?" tanong ko sa kanya habang nakasunod ako. Nauuna siyang maglakad at siya din ang nagbukas ng pinto. He held it until I went outside as well. He made sure that all the electricity running is turned off before he locked his studio.
"It's okay..."
I bit my lips. Nauna pa din siyang bumaba habang kasunod niya lang ako. Noong makarating kami sa baba ay agad niyang pinatunog ang kanyang kotse. Agad akong dumiretso sa passenger seat at binuksan ang pinto noon para sumakay. I don't know when did I become really comfortable of doing things like this without receiving his permissions. Nakita ko na lang ang sarili ko na ginagawa ko na iyon. Wala rin naman iyon kay Theo...
"Who's that?" tanong ni Theo noong makasakay na rin siya. He immediately started his car.
Natigilan ako. Anong dapat kong isagot? My brother's friend? Pero sa pagkakaalala ko ay kinonsider ko din siya bilang kaibigan...
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...