ERW16

36.2K 1.1K 393
                                    

ERW16

"Oh, there she is, hijo!" agad tumayo si Mama upang salubungin ang pagbaba ko. Nakita kong tumayo din si Allen mula sa pagkakaupo sa couch.

"Why are you still here, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Paalis na din ako. I just entertained Allen here. Akala ko ay si Fire ang hinihintay, ikaw pala..." nakangiting saad ni Mama, kakaibang uri ang ibinibigay ng kanyang ngiti saakin.

"Yup. Gagawa kami ng project, Ma."

"Okay, enjoy! Mauuna na ako."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan pa ng enjoy? It's not like we're gonna play, hang-out, or something. I kissed her cheeks to say goodbye. Napaalam naman siya kay Allen bago siya umalis.

Humarap ako kay Allen noong makalabas na si Mama. Agad akong sinalubong ng kanyang ngiti.

"Good morning..." bati ni Allen saakin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Morning..." medyo mahina kong bati.

"I'm sorry... ahm... hindi pa kasi ako handa. I never thought you'd come this e-early..." napakamot ako sa ulo.

I just woke up. Nag-ayos lang ako ng mabilis bago ako bumaba at harapin siya. Napatingin ako sa kanya noong marinig ko ang kanyang pagtawa.

"It's okay. Take your time."

Napangiwi ako at napatingin sa paligid. As much as I don't wanna leave him alone... kailan ko pang maligo at kunin lahat ng kailangan kong gamit para matulungan ko siya sa gagawin namin.

"Sorry..." saad ko. "Tulog pa kasi si Fire eh... a-are you okay alone?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya saakin. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa dahil sa nakikita saakin. Hindi ko maiwasang hindi mapahiya. I immediately shifted my gaze away.

"Yup. Kasalanan ko din naman, masyado akong maaga."

"You really are..."

Napatakip ako ng bibig noong nasabi ko pala iyon na dapat ay sa isip ko lang dapat isasagot. I blushed when I heard him chuckled.

"Hala, sorry..."

Ngumiti siya. "Third time you say sorry today. You really want my forgiveness huh?" biro niya saakin.

"I'm not forgiven yet?" tanong ko.

He just gave me a mischievous smile. Umiwas naman ako ng tingin at tinuro na ang direksyon ng hagdan.

"Ahm... I'll be fast." paalam ko.

"I'll wait here."

Tumango ako sa kanya at naglakad na na pabalik sa second floor. Agad akong pumasok sa aking kwarto at naligo. Puting short at itim na hoodie lang ang sinuot ko. I cleaned and dressed my wounds before I started fixing myself.

Hinagip ko ang papel, filler notebook, pencil case, at laptop ko bago ako bumaba at balikan si Allen. Noong makababa ako ay nakita ko na si Fire sa solo-seater na couch, abala sa kanyang cellphone. So he woke up already...

Napalingon silang dalawa saakin noong binaba ko sa center table ang gamit ko. Agad na tumayo si Fire.

"Breakfast muna tayo. Tara, dude." aya ni Fire sa kaibigan ngunit hindi naman niya ito nilingon dahil nakatuktok siya sa cellphone niya.

Noong lumapit ito saakin ay binaba niya ang kanyang cellphone at inilagay niya iyon sa bulsa. He ducked a little to kiss my forehead.

"Good morning." bati niya.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon