ERW7
Tahimik lang akong inuugoy ng mahina ang swing na kinauupuan ko habang nasa lupa pa rin ang aking mga paa para hindi ito masyadong gumalaw.
"Sorry, wala akong panyong dala..."
Napalingon ako sa tabi ko at ngumiti.
"It's okay." Tinaas ko ang braso ko upang imuwestra sa kanya ang long sleeve ko na ginamit kong pamunas ng aking luha.
He chuckled. "May iba na palang use 'yan?"
I smiled at him and chuckled too.
"Malalaman lang in times of need."
Napalingon ako kay Cai na palingon-lingon pa rin sa direksyon namin kahit bumalik na sa pakikipaglaro sa ilang mga bata. Mukhang tinitignan kung umiiyak pa rin ako. I don't know if he's really convinced that his Tito really made me cry.
"Are you sure you're okay?"
Nilingon ko ulit siya. He looked at me, this time he looks very serious that I became a little anxious about it. I'm used to the lightness that he carries and his smiles.
"Y-yeah..." iniwas ko ulit ang tingin ko. "Ilang beses mo na 'yang tinanong."
"Ilang beses ka na ding nagsinungaling."
My eyes widen and I automatically turned to him again. Nananatiling ganon ang kanyang mga mata. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil doon. I became more nervous and I started to feel intimidated and awkward once again.
"H-ha? What..." I faked a laugh.
He sighed and took away his gaze from me. Para akong hawak noon sa leeg at noong umiwas ang kanyang tingin ay nakahinga ako ng maluwag. Why... my body is automatically reacting to him...
"It's okay to admit you're not fine. It's actually better..." saad niya habang nakatingin sa nasa unahan namin. Ako naman ay unti-unting tinaas ang tingin ko sa langit na unti-unti nang nagbabago ng kulay. Sunset is near.
"Admitting or not is just the same." tugon ko sa kanya.
I don't know why I started to let go of my inhibitions for the first time and let someone hear a piece of mind. Mayroon namang mga taong matagal ko nang kasama at matagal ko nang pinapahalagahan. Bakit ngayon lang sa taong kakakilala ko palang?
"It doesn't really help." bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya pa.
"But admitting it will make you be aware of it... and somehow, malalaman mo na kailangan mong may gawin ka para maging maayos ulit."
Huminga ako ng malalim. Namayani ang kakatahimikan sa pagitan naming dalawa at tanging tunog lang ng paligid ang naririnig ko. The sound of nature and the noises from the chitchats of people and the laughs of kids playing.
"What will I do?" tanong ko sa kanya at unti-unting binaba ang aking tingin sa kanya.
Lumingon siya muli saakin, siguro dahil naramdaman ang tingin ko sa kanya. He flashed me his smile once again. A genuine small curve of his lips.
"What do you want to do?" tanong niya saakin habang pinagdidiinan ang salitang 'you'.
Napakagat ako ng labi at maliit na ngumiti sa kanya.
"Is what I want to do supposed to be the one that I shall do... to be okay?"
Umiwas ako ng tingin noong narinig ko ang kanyang pagtawa. Pinigilan ko ang sarili kong hindi mapangiti. I don't know why we are having this kind of talk, but somehow, it's me really interested in the next thing that he will say.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...