ERW14
"Kamukha niya si Caiser! Is he..."
Teka... I thought Caiser's dad is already gone?
"Hindi! Hindi!" agad na tangi ni Theo noong marinig ang sinabi ko. I was holding a picture from the shelves behind his table. Mayroon din kasing pictures doon ng kanyang pamilya at kaibigan.
Napansin ko lang na may kamukha si Caiser sa mga kaibigan niya!
"See..." lumapit siya saakin at kinuha ang frame na hawak ko kung saan nakatoga siya pati ang dalawa pa, tapos dalawang lalaki ang hindi. May isang babae naman sa gitna nila.
Nahigit ang hininga ko noong napansin ko ang pagkakalapit naming dalawa. Ramdam ko ang pagtama ng aming mga balat... I mean, I just felt it even if I'm on my sweater. My heartbeats rose again.
"This is Rash." turo niya sa tinutukoy kong kamukha ni Caiser kahit obvious naman na iyon ang tinatanong ko sa kanya. "He's Cai's uncle too. He's his Dad's brother..." medyo humina ang kanyang pagkakasabi.
I gasped. "Alam niya ba?" tanong ko.
"Tungkol kay Cai?" tanong niya saakin. Hindi naman siya naghintay pa ng sagot ko upang muling magsalita. "Yup... he visits him. Well... before."
"Before?"
He nodded. Binaba niya ulit ang frame sa kung saan ito nakalagay. His eyes remained on it for some time. I remembered the time where he said his friends are already scattered. Pati iyong kalungkutan sa tono ng boses niya noon.
"Yeah, he's gone."
"Ha? Patay din?" tanong ko. My tone pitched a little because of shock.
Theo chuckled. Umiling siya saakin habang tumatawa. Confused ko siyang tinignan.
"I don't know where he is. Baka kinain na ng lupa."
Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya. Mukha namang tawang-tawa siya sa ideya na sinabi niya. Hindi ko tuloy siya masundan. Noong marealize niya na nagtataka pa din ako ay natawa na naman siya.
Seriously, ilang jars kaya ng tawa ang meron si Theo araw-araw?
"He's just out there, I guess..." dagdag niya.
Sa huli ay napagdesisyunan kong magpinta. I was so excited about trying everything that he has in here. Hindi naman niya ako pinigilan. Nakangiti lang siya habang pinapanood akong kumilos.
"Your first work here would be mine. Ayos lang bang iuwi ko sa condo?" tanong niya saakin.
Namula agad ako dahil sa kanyang sinabi. However, I also gained a little confidence in pushing him away. Napansin ko pa ang pagkagulat niya noong itinulak ko ang braso niya. Napalunok ako. It was the first time I actually touched him.
"B-bahala ka... just go away now..." mainit ang mga pisngi kong saad sa kanya.
He chuckled. "Okay... bakit ba kasi ayaw mong ipakita ang gagawin mo?" tanong niya saakin at umalis sa likod ko.
Naiilang kasi ako kaya pinuwesto ko ang easel patalikod sa diresyon niya pero lumipat naman siya sa likod ko. Hindi kasi ako komportable na may nanonood sa ginagawa ko. Para kasing anytime ay mapapansin ang pagkakamali ko, lalo tuloy akong hindi nakakapagfocus at mas lalong pumapangit ang ginagawa ko.
"'Di ako sanay ng may nanonood..." mahina kong sagot sa kanya. Sumandal siya sa kabisera ng long table. Sa wakas ay nakatalikod na muli ang gagawin ko sa kanya.
I started placing paints in my palette. Iyong iba ay hinalo ko para magkaroon ako ng ibang kulay na kakailanganin ko.
"Ano nang gagawin ko?" tanong niya saakin habang nananatili pa rin sa huli niyang pwesto. Sumulyap lang ako sa kanya bago ko binalik ang atensyon ko sa pinaghahalo kong kulay.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...