ERW30

35.7K 1.1K 313
                                    

ERW30

Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat habang magkasalubong ang kilay ni Theo sa tabi ko at tahimik na nagda-drive at tila malalim ang iniisip.

I wanted to say how good and handsome he is now without his stubble. Pinakita na niya iyon saakin sa video call ngunit ngayong personal ko na siyang nakikita ay walang katumbas iyon. He looks a lot younger. Kung hindi mo alam ang totoo niyang edad ay sasabihin mong mukha siyang ka-edad ko. However, if you would look at his body, you will have to think again.

I want to hear him speak. Kahit iyong pang-aasar at mga biro niyang minsan ay kinaiinisan ko ay gusto kong marinig ngayon. The intensity of the anger in his eyes is too much that I can't even breathe properly.

"Nasaktan ka ba?" tanong niya saakin.

Nagulat pa ako noong magsalita siya. I was so busy observing him. Ni hindi nabawasan ang galit niya mula kanina hanggang ngayon. I almost shuddered in his hold a while ago.

Alam ko... nakakagalit naman talaga iyong ginawa ko. Sa totoo lang... lahat ay nakakagalit.

"N-no..." sagot ko sa kanya.

"Good." malamig niyang tugon sa sagot ko.

Nakita ko ang cellphone ko na umilaw sa aking kandungan at mahina iyong tumunog. Agad kong nakita ang pangalan ni Allen sa Caller ID. Napalunok ako. He saw it all.

I can't imagine how shock he was when we are just calmly talking but I abruptly acted like a crazy person. Gusto ko sanang humingi ng tawad at magpaliwanag because obviously, everything became more messed up than it was before.

Ang tanga-tanga ko kasi! Palagi nalang!

"Patayin mo 'yang cellphone mo."

Napatingin ako kay Theo na nag-iigting ang panga ngunit hindi nakatingin saakin. He was glaring at the innocent road.

"Theo..."

"Save it."

Agad kong naisara ang aking bibig noong marinig ang kanyang sinabi. Nanginginig ang mga kamay ko noong hinawakan ko ang cellphone ko at pinatay iyon-ayon sa kagustuhan niya.

Tahimik at mahigpit ang hawak ko sa patay kong cellphone. Nakayuko lang ako at nakatingin sa aking mga kamay. I am so afraid to look at Theo now. Eto na naman siya. Ito rin yung nakita ko noon nung una niya kaming makita ni Allen na magkasama. The dark part of his personality... iyong nakakatakot at sobrang layo sa nakasanayan kong siya.

My sweet and bright Theo was gone in instant.

Tahimik lang kaming dalawa. Matagal akong nakatitig sa cellphone ko. Silently wishing that Allen could keep a mum about what happened today and wait for me to explain myself. Hindi ko yata kakayanin kung babanggitin niya iyon kay Fire.

I was a little bit familiar on the road that we are taking. Akala ko pa nga ay papunta kami sa art studio niya ngunit nag-iba ang daang tinahak niya hanggang sa pumasok ang kotse niya sa basement parking ng isang mataas na condominium.

We're in his condo...

Noong maayos siyang nakapagpark ay walang salita siyang lumabas ng kanyang sasakyan. Natulala ako habang pinagmamasdan siyang nakalabas na. Nanghihina ako sa sarili kong upuan kaya hindi ko alam kung kaya ko bang maglakad mag-isa.

The door on my side opened. Ganon pa din kadilim ang mukha ni Theo ngunit nagawa niyang tanggalin ang aking seatbelt. He held my arms to help me stand from my seat.

Noong nagawa kong makatayo ay binitawan niya rin ako. Nagsimula siyang maglakad papunta sa elevator habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. We stood on the elevator with enough distance that was okay and not okay for me.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon