ERW17

35.6K 1.4K 644
                                    

ERW17

Mula sa malaking atensyon na ibinibigay ko sa canvas ay agad na napataas ang tingin ko noong nagbukas ang pinto ng art studio. Wala namang makakapasok dito bukod saakin kundi iisang tao lang.

My forehead creased. Hindi naman niya sinabing pupunta siya dito.

Agad pumasok si Theo sa loob. He greeted me with a smile when he caught my eyes looking. Napansin ko ang dala niyang paper sa isa niyang kamay bago niya sinarado ang pinto.

"Lunch?" he offered. Tinaas niya ang hawak niyang paper bag. Tumayo naman ako mula sa pwesto ko at ibinaba ng maayos ang mga hawak ko.

"Bat ka nandito?" tanong ko sa kanya. "How about work?" I asked while looking at my hands full of paint.

"Lunch out?" nakangisi niyang sagot saakin. "Babalik din ako mamaya."

Ibinaba niya ang pagkain sa harap ng kanyang desk at inilabas iyon.

"I'll just wash my hands..."

Tumango siya. "Sure..." sagot niya ng hindi lumilingon dahil abala siya sa pag-aayos ng pagkaing binili niya sa desk, nilikom niya ang ilang mga papel doon upang magkasya ang mga pagkain.

Dumiretso ako sa CR at naghugas ng kamay. It took me a while to remove all the paint in my body. Buti na lang at sa mga kamay ko lang iyon dahil panget naman kung sa damit ko lalo na't babalik pa ako sa school mamaya.

Noong lumabas ako sa banyo ay nakita ko si Theo na may bitbit na stool upang dalahin sa unahan ng kanyang desk.

"Sit there..." utos niya saakin sabay turo sa swivel chair. Napanguso ako. Hindi ba dapat siya doon? He's big so he won't be comfortable eating while seating on a stool. Yuyuko pa siya palagi para lang makakain ng maayos.

"Ikaw na don." utos ko din sa kanya at tumabi sa kanya, nasa gitna namin ang stool na bitbit niya kanina.

"Ayos lang... ikaw na."

"Are we going to eat? O tatayo nalang tayo?" tanong ko sa kanya.

He chuckled and shook his head. Napangiti na lang din ako.

"Okay, fine."

Agad akong umupo sa stool habang siya naman ay umikot para maupo sa kanyang swivel chair. We started eating silently when we settled. Isa iyon sa mga bagay na napapansin ko saaming dalawa. Somehow, I learned to enjoyed the silence between us na kahit kanino ay hindi ko nararamdaman noon. Ang una kong nararamdaman kapag may kasama ako ay pagka-ilang. That's why I always love being alone.

But right now, I don't know that silence can also be this peaceful even with someone else's presence. Dati kasi ang alam ko lang ay tahimik na magpanic kung paano ako makakawala o kung ano ang gagawin ko tuwing may kasama ako.

"You still have class?" tanong niya saakin.

Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Yup, later at 1:30." sagot ko sa kanya.

Kanina kasi ay nag-message ako sa kanya upang tanungin kung ano ang address ng art studio para makapunta ako. It's been almost two weeks since I first went here with Theo. Ngayon na lang ako nakabalik dahil masyadong mahigpit ang mga ginagawa sa school.

Theo and I still meet sometimes. Hindi ko din alam kung paano. Sometimes, we just crossed over each other at the park on our subdivision, and sometimes, he'll go on the campus and we'll get some burger from my favorite burger house... na naging favorite niya na din.

"You still have one and half-hour..."

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Magla-lunch out ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon