ERW23

35K 1.1K 880
                                    

ERW23

"You look really bored."

Agad tumaas ang tingin ko sa biglang nagsalita sa harap ko noong marinig ko ang isang pamilyar na boses. Allen smiled at me. Ngumiti din ako sa kanya pabalik at bahagyang minasahe ang aking sentido.

"Bored is an understatement." sagot ko sa kanya.

He chuckled and sat beside me.

Ayoko namang magmukhang unprofessional kung magdadala ako ng sketch pad at doon ko itutuon ang atensyon ko. Ayoko din sanang gumamit ng phone dahil parang unprofessional pa rin kung iisipin lalo na kung nasa duty pa.

"I assisted Nurse Joy on administering meds on the patients assigned to her." kwento niya saakin.

Tumango ako at muling nag-buntong hininga.

"Ikaw?" tanong niya saakin.

"Bored..."

He laughed and shook his head.

"Sabihan mo na ang parents mo."

"Oo nga eh..."

We're already on our internship. Si Allen ay pinili talaga na dito siya sa hospital namin na mag-intern pati na rin si Hero. May mga kasama pa kaming ibang mga kaklase din namin pero hindi ko naman sila kilala. Pamilyar lang ako sa mukha nila.

Mama and Daddy thought that it's best for me to do my internship here in our hospital so that I could familiarize myself already. Hindi ko ba alam kung paanong familiarization ba ang mangyayari saakin dito lalo na't halos walang ibigay saakin na trabaho. Minsan nga, sila pa 'yung nag-aasikaso saakin. Like, what for?

I hate the way they are treating me like a baby. Or siguro dahil takot lang talaga sila sa parents ko. Pero paano ako matututo kung uupo lang ako dito? Nurse Janina, the one assigned as my mentor, left to assist in the ER. Iniwan niya naman akong walang ginagawa dito.

"Anyway, let's eat?" aya niya saakin.

"Si Hero?" tanong ko sa kanya dahil alam kong originally ay best friend naman niya talaga ang kasama niya tuwing nagbe-break.

"May ginagawa pa..."

I sighed. Pakiramdam ko ay napag-iiwanan nila ako dahil mukhang silang lahat ay gumagalaw.

"Tara?" aya niya.

Tumango ako. Actually, I have no plans on eating lunch. Kaso ay hindi ko naman matanggihan si Allen na nag-aaya ngayon.

"Pwede sa labas tayo?" mahina kong tanong sa kanya habang iniikot ko ang tingin sa paligid.

Tumigil siya sa paglalakad at inikot niya ang paningin niya sa paligid. Ginaya ko ang ginawa niya.

Nakikita ko ang ilang mga staffs na dumadaan saamin at ang ilan ay nagbubulungan pa. This is the reason why I don't eat lunch often here. Ang daming tumitingin at nagbubulungan. It felt like I'm being judged and examined as the next person who will seat on the Chairmanship of the hospital. It's making me very uncomfortable.

Baka kasi bigla nalang akong may magawang mali. They will see how the failure of a person I am. Magiging kasiraan pa iyon kala Mama at Daddy and they will realize that I don't deserve holding that position.

"Of course, Sey... wherever you want..." nakangiti niyang sagot saakin.

Ngumiti ako sa kanya. "Thanks..."

Lumabas kami ng ospital. Dahil ang pinakamalapit lang na kainan dito ay isang fast food chain, doon na kami dumiretso. We cannot look for a fancy restaurant just for lunch dahil kailangan din naming makabalik agad.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon