Trigger Warning: Self-harm
Please skip this chapter if you're not mentally prepared. Read at your own risk. Thank you!
xxx
ERW12
Huminga ako ng malalim at tumango kay Sir. We are called one by one so that he can give us the result of our practical exam. Hinawakan ko ang aking papel na inabot niya at bumalik ako sa upuan ko.
Maingay na sa paligid ko at madami na ding nagtatanungan ng kanilang mga score. Ako naman ay tahimik lang na binuksan ang aking papel. Tatlo lang ang scores na maaring ikutan. It's either 95, 85, or 75.
Noong makita ko ang isa sa mga numero na nasa papel ko ay hindi ko na kailangan pang titigan iyon ulit para makita ang resulta. I balled my other first and breathe hard. I saw a seven.
75.
I failed.
Again.
You're a shit, Zemira Fayre.
Agad kong pinasok ang papel sa bag ko at umayos ako ng upo sa stool. Maingay ang paligid ko pero parang nabibingi ako at hindi tinatanggap ng tenga ko ang lahat ng ingay dito. Because my head is much messier and louder than anything around me.
This is your major subject, Sey! This is your last year! Hindi pwede... I keep on failing. I keep on repeating to myself that I should do better the next time so that I can catch up with a passing remark but I keep on failing!
Ang tanga-tanga mo talaga! Bobo!
Ngayon, paano pa ako babawi na naman? Kung hindi kapit sa pagpasa, bagsak. Paano naman ako makakakuha ng maayos na grade nito? Paliit na ng paliit ang mga tsansa ko. The more I fail my exams and activities, the less my grades will be!
But... ginagawa ko naman lahat...
Bakit ba hindi pa din kaya? Ano pa ba dapat? May kulang pa ba?
Madiin kong kinuyom ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Diretso lang ang tingin ko sa harap ko kung saan naroon ang bintana. I tried my best to look okay and peaceful outside even if I wanna just bury myself six feet underground inside.
Another failure. Like my life has always been.
"See you next week. Paalala ko lang ha, yung quiz nyo next week!"
Right. May isa pang quiz. Kumabog ang puso ko habang iniisip na may isa na naman akong pwedeng ibagsak.
Agad nag-pakita ang sa aking utak ang larawan ng mga mukha nila Mama at Daddy, both of them, looking very disappointed.
But I am much more disappointed. The thought of failing people, especially my family, is a greater failure for me.
"Bye, Sir!"
"Mag-aral!" paalala niya habang lumalabas na ang mga kaklase ko.
Tumayo na rin ako sinukbit sa aking balikat ang backpack ko. Dire-diretso akong naglakad papalabas ng laboratory.
Mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. At some point, I just wanna stop the world from revolving. Pero gusto ko din na sana, kahit saglit lang... kahit isang beses lang, sana naman umikot ang mundo na ayon sa akin.
Bakit ba palaging unfair kapag saakin?
Gusto ko na sanang umuwi pero hindi pa pwede dahil may isa pa akong klase mamayang tanghali.
Naglakad ako papalabas ng campus. Puno man ng maraming bagay ang utak ko, alam pa rin ng paa ko kung saan ito pupunta. I ended up in the park in front of SAU. Umupo ako sa isa sa mga swing at tumulala sa aking harap habang marahang inuugoy ito gamit ang aking mga paa.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...