ERW29

34K 1K 456
                                    

ERW29

Mabigat ang paghinga ko dahil sa kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib. My feet are so unrest. Hindi ko mapigilan ang ginagawa kong paglinga sa paligid.

Theo:

Still reviewing?

Napakagat ako labi. Parang pinipiga ang puso ko tuwing iniisip ko na kailangan kong magsinungaling sa kanya. I'm really really sorry, Theo. Pero huli na 'to. Pangako, huli na 'to.

Ako:

Yup. You?

Mabilis siyang nakapagreply.

Theo:

Checking a site. Minsan nakakalimutan ko nang architect ako dahil sa meetings at paperworks ko. It feels good to be here!

Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa taglay na saya ng kanyang mahabang text. Hindi pa ako nakakapag reply ay may bago na siyang text.

Theo:

Ay, I'm sorry for being too excite haha review ka na ulit di na kita guguluhin

Totoo namang ilang araw na din akong tutok sa pag-rereview para sa NMAT. I know that I badly need to pass that one kaya kahit kaka-graduate ko pa lang ay tinututukan ko nang maigi ang pagrereview. Theo's been supportive of everything that I wanted to do and I cannot help but be thankful and blessed to have him.

Kahit minsan, masyado na akong late makapag-reply sa kanya. I really feel sorry but every time I thought of how I did well on my exams through extensive reviews with Theo's help, narealize ko na mas mahigpit pa don ang kailangan kong gawin para pumasa. I may not be as smart as other people but I still wanna do my best.

Ako:

It's okay, CEO.

Agad na nawala ang atensyon ko sa paligid noong natuon ako sa pagrereply sa kanya .

Theo:

Your CEO, my future Doc.

Natigilan ko noong matanggap ko iyon galing sa kanya. I felt the heat rising to my face. I'm very positive I'm so red now!

Ako:

Yes, mine.

Nag-init lalo ang pisngi ko at naging todo ang aking kaba noong pinindot ko ang send at mabilis kong binaba ang cellphone ko. Hiyang-hiya ako dahil sa aking ginawa! Oh my! Hindi ko kasi alam kung ano bang pwede kong gawin! I really wanna keep up with him... pero nakakahiya talaga!

Ugh! Bakit ba kasi di pwedeng magdelete sa text?!

Tuloy-tuloy ang pagtunog ng phone ko siguro dahil sa pagpasok ng mga text galing sa kanya. Huminga ako ng malalim at binuksan iyon.

Theo:

Amputa

Ay shit

Joke lang yon!

Wrong send! Baby, wrong send yon!

Nagparte ako ang labi ko habang pinagmamasdan ang message niya. My eyes widen. Did he just say that... oh, he cursed me! Hala... pulang-pula na ang mukha ko habang ramdam ko na mula ulo hanggang paa ang hiya ko.

Ako:

Hala sorry

Hindi ko alam kung pero hindi ko pa tuluyang napoproseso kung naisend ko ba talaga iyon ay agad nang sumulpot ang message ni Theo.

Theo:

JOKE NGA LANG

Don't be bothered.

My sweetness

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon