ERW31
Puno ng mabibigat na pakiramdam hindi lang ang puso ko ngunit pati ang buong sistema ko. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko at mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot habang nakaupo ako rito sa tabi ni Theo.
He was just silently driving. Ni hindi niya ako binibigyan kahit isang mabilis na sulyap. His eyes are just focused on the road but it also looks like he is in deep thinking.
Natatakot akong muling magsalita. Pakiramdam ko kasi kapag binubuksan ko ang bibig ko ay may mas lalo akong nasisira.
Sa sobrang muhi ko sa sarili ko noon, hindi ko alam na kaya ko pa pala iyong higitan ngayon. I'm hating how much I cannot explain and express myself. Naiinis ako dahil hindi ko magawang gawing salita ang lahat ng tumatakbo sa magulo kong utak! Naiinis akong hinahayaan kong pangunahan ako ng pangamba at sakit dahilan kung bakit hindi ko maipagtanggol ang sarili ko o kahit diretsong man lang na ipabatid kung ano ang nasa isip ko.
Bakit kasi ganito ako?
Why do I feel like I am destined to do the worst thing and be the worst for everyone around me?
Kahit hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin habang nasa loob ng kotse kasama ni Theo, I still wished for the ride to last long. Kahit hindi ko yata matatagal ang bigat ng tensyon sa katahimikan naming ngayon... even if I know it's impossible not to reach home, I still wish for the ride not to be over.
Ayoko pa kasing malayo sa kanya...
I smiled sadly when I recognized the entrance on our subdivision. Tuloy-tuloy na pumasok si Theo dahil may sticker naman ng subdivision ang kanyang sasakyan. Hindi kalaunan ay agad din kaming nakarating sa tapat ng bahay.
I felt cold.
Tinitigan ko ang bahay na parang hindi ako doon nakatira. I don't... I still don't wanna go inside...
Tahimik lang din si Theo sa tabi ko at hindi nagsasalita. He remained seated and his eyes are focused in front.
"Sige na... magpahinga ka na. Kanina ka pa umiiyak."
Nabasag ako sa marahang tono ng kanyang boses pagkatapos ng mahabang katahimikan saaming dalawa.
"Theo..." I painfully called his name.
I tried to look at him. Siya naman ay diretso pa din ang tingin sa harap na parang may mas nakakainteres pang bagay doon.
"I understand that you're confused. I know that all of this may be new to you. I'm sorry if you feel pressured because of me..."
Bumagsak ang aking panga dahil sa narinig ko sa kanya. What? Bakit... No... why am I hearing this, now? Ayoko na... tama na...
I just wanna know if we are still okay even after I walk out of this car! Bakit may ganito? Bakit siya ang nagso-sorry?
"I'm n-not pressured..." kinakabahan at takot kong sagot sa kanya.
Pilit kong inabot ang kanyang kamay gamit ang nanginginig na akin. Doon lang naalis ang tingin niya sa unahan para tignan ang kanyang kamay na hawak ko.
Hindi naman talaga. I know to myself that I liked this. I wanted to do this with him. Alam ko at sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I know I'm confused of most things. I know I have the most fucked up mind in the world but this... this is the only thing I know for sure.
"Hindi mo ba na-isip na baka nagkamali ka lang ng tingin, Sey? That maybe you're just too attached to me because I was your first friend and the one who accidentally knew about your secrets... I became a safe zone for you..."
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...