ERW44

59.2K 1.4K 1.1K
                                    

ERW44

She's weird.

Natatapakan ang gandang lalaki ko. Para kasing mas gwapo pa yung sapatos niya kaysa sa mukha ko.

Hindi ko matanggap.

I mean, halos lahat ng babae kapag nakita ako ay diretso agad ang sipat sa katawan ko sabay tigil sa mukha ko hanggang pagsawaan nila. Pero eto... lahat na yata natitigan niya bukod sa mukha ko.

I thought she will talk to me when she sat on the empty swing chair beside me. But I was the one who ends up talking to her. Kanina lang ay frustrated pa ako kay Ate pero ngayon ay hindi ko na maramdaman iyon dahil sobra ata akong nadadala ng pagka-kuryoso sa kanya... I even invited her for lunch!

Shit, man! Akalain mo 'yon. Nanlilibre ako? My asshole friends would tease me all of my life if they knew about this. It's a secret. Sikretong malupit.

"How old are you?"

"20."

Ang bata. Halata naman sa itsura na bata. Naka-uniform pa nga, Theo diba? Gago ka ba?

Ako kalimitan ang nagsasalita. She was answering me directly and when she does, our potential conversation will immediately die. Pucha, ang hirap namang kausapin nito. Mauubos ata ang tanong ko ng di pa nagkakapagsimula ng usapan.

Ang tahimik. Mahiyain ata. Ang liit din ng galaw niya. She looks very careful in everything that she's doing. Ako naman ay nagpaka-abala sa pagtingin sa kanya.

Her name is Sey. She has a pale skin. She's skinny too. Parang ang sarap tuloy pakainin ng pakainin. She's chinita... her eyes are very cute. Maliit ang kanyang ilong. Ang labi niya ay pagkamaputla. Kulang ba 'to sa dugo? Bakit parang lahat sa kanya ay maputla?

Tapos nakaputi pa siyang uniform. Hindi ba siya napagkakamalang papel or worst... multo?

Ang buhok niya ay bagsak na itim. It looks very natural and smooth. She has a cute height. Hanggang balikat ko lang siya, mataas na din dahil matangkad naman ako. At tsaka...

At... tsaka...

Tsaka... gago! Why am I examining her? It's not like she's my type! Ayoko sa bata! They are immature! So immature!

And why am I even thinking of her as my... argh! Get your shit together, Theodore!

I sent her back to SAU after having lunch with her. I thought it is just a short while curiosity. Hindi na naman kami magkikita siguro... that, immediately went into nothingness dahil hindi pa natatapos ang araw ay muli ko siyang nakitang tahimik na nakaupo sa isang bench sa park sa subdivision na kinalakihan ko.

Weh? Dito siya nakatira?

"You like parks, huh?" tanong ko at umupo sa tabi niya.

Wala sa loob akong napatawa noong makita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"T-Theo!"

"Shocked?"

She's not really the type who can accompany a person on his or her day. Baka ma-bored lang sila kung siya ang kasama. Tsk, sobrang tahimik niya kasi tapos lahat ng tanong mo, papatayin niya para matapos ang usapan nyo. But I don't know why I am this interested.

"Wow! You drew well!" natural kong bigkas noong makita ko ang kanyang sketch pad. It was actually normal for me to see good drawings but when I saw how a glow crossed her eyes when I complimented her drawing... I just suddenly feel the urge of giving her more compliments.

"Hindi naman."

"No, totoo. It looks real! Your shadings are good."

And there... I fucking made a fool to myself again. Short while curiosity, my ass! I invited her already for lunch! And now... I fucking did it once again to an art expo where I have no plans on attending until this day!

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon