Epilogue

89.8K 2.8K 1.8K
                                    

Note: Isn't it amazing how fate allowed me to finish this story in September? It's our #SuicidePreventionMonth, everyone! So to you, keep going. The storms will be over and you will be better. Love, live. Theo and Sey had been in a long way, ain't they?

See you at the last installment! Check out Rugged Series #4: Every Line Crossed on my profile!

Thank you so much!

xxx

ERW45

Epilogue

I told myself before, I will never be a slave of love. Nakita ko na iyon kay Ate at sa mga kaibigan ko.Nakakabaliw. I saw how it made and ruined things around them. It was something that I would never want myself to have.

Thus... Thallia became my answer.

Huminga ako ng lalim at minasahe ang sentido ko. I tried to inhale fresh air but my head can't calm down. Damn this girl!

"Theo..." her voice still sounds like an innocent seductress' voice.

Ang plano ko lang naman ay magpakasaya sa gabi ito kasama ang mga kaibigan ko pero paano ko gagawin iyon kung makikita ko siyang halos pag-agawan na ng mga lalaki sa dance floor?!

Wala akong nagawa kung hindi humarap sa kanya. She was biting her nail. Mas lalong umiinit ang ulo ko habang nakikita ang kanyang patagong mga ngiti! I knew she planned it all! Gusto na naman niya akong magalit para bigyan ko siya ng atensyon!

"Bakit ganya ang suot mo?" I glared at her.

"Because I'm in a club?"

"May nakalagay bang required na ganyan ang suot?" sakrastiko kong saad at tinuro ang entrance ng '89. "Edi sana nag-beach ka na lang kung halos naka-bikini ka na rin lang!"

Binaba niya ang kanyang kamay. Hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. Puta naman.

"Babe, you look so hot when angry..." she said, biting her lips.

Napatingala ako sa langit. Puputok ata ang mga ugat ko sa utak dahil sa babaeng 'to.

"Go home." utos ko sa kanya at nilagpasan siya ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay naramdaman ko na ang kanyang kamay sa aking braso.

Rinig ko ang daing niyang parang pusa. Napangiwi ako.

"Di mo ba ako ihahatid?"

Bahagya akong tumagilid at hinawakan ang kamay niyang nakahawak saakin. Ngumiti ako at marahas kong tinanggal ang kamay niyang saakin.

"Nakapunta ka mag-isa, bat hindi ka makauwi mag-isa?"

I glared at her and I walked inside the club once again. The assholes cheered when they saw me coming back on our table.

"Ayaw pala sa bata ah..." salubong ni Rash saakin.

"'Di daw magkakagusto... bat kaya galit?" pabebeng tanong ni Hezekiah kay Rash. They clinked their glass together before they laughed and drank from it.

Pucha.

"Galit kasi...?"

"Napikon..."

"Napikon kasi...?"

"It must be destiny." Six smirked and turned to me. Rinig ko ang malakas na halakhak ni Rash at Hezekiah.

Putangina. Can I go back in time? I wanna redo my decision! Nagsisisi na akong sila ang kinaibigan ko! Mga gagong 'to. Kanina pa nag-iinit ang ulo ko! Pag di ako nakapagtimpi ay pagbubuhulin ko silang tatlo!

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon