ERW25

35.7K 1.2K 735
                                    

ERW25

"T-theo..." tawag ko sa kanya.

Shit! What am I hearing today? Hindi pa ba tapos ito kay Allen? Why... nabibingi na ba ako? Nahihibang? Is this my imagination working? Gising ba talaga ako sa mga oras na 'to?

I groaned when I felt the pain I did to myself when I pinch my arms hard. Agad naagaw noon ang atensyon ni Theo. He immediately caught my hand away from my arm.

"What are you doing?" he asked disapprovingly while caressing the part of my arm where I pinched myself.

Totoo nga. This isn't a dream, damn it!

Binawi ko ang braso ko sa kanya. Nabawi ko ang hininga ko noong humakbang siya paatras saakin pero hindi ko pa rin mapigilan ang malalakas na tibok ng puso ko at ang matinding pag-iinit ng dalawa kong pisngi.

I suddenly remembered what did he said last.

Manliligaw...

I chuckled nervously and look at Theo.

"W-wag ka ngang mag-joke..."

Mas dumilim ang tingin niya saakin kaya natigil ako sa pilit na tawang ginagawa ko lang upang iwasan ang mabigat na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na magawang maipaliwanag pa kung gaano kabilis ang tambol ng puso ko. Mukhang kahit na anong oras ay tatalon na lang iyon palabas ng aking katawan.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napasinghap ako. Where is Theo? Yung parang may dalang liwanag sa kamay niya. Iyong palaging nakangiti at tawa. Yung may maaliwalas na mata. This Theo is making me so weak!

Muli siyang humakbang papalapit kaya mas hinigit ang hininga ko.

"Why? Because he's better?"

Agad akong umiling. Of course not! Bakit ko naman sila ipagkukumparang dalawa? Binasa niya ang kanyang labi habang mariing nakatitig saakin.

"Because you like him better?"

My head automatically shook, not agreeing with his theory. I know... I just know... that my answer is no.

"Because I'm way older than you?" he said, huskier than ever. Ang boses niyang iyon ay tila gumuhit sa aking mga buto, giving me chills all over my body. It's making me shiver and out of breath once again.

"No..." mahina kong sagot.

I heard him chuckled. Ang kanyang bibig ay malapit na naman sa aking tenga katulad kanina.

"Then, let me court you, Sey."

"B-but why?" paglalakas loob kong tanong sa kanya.

Why would he court me? Because Allen wanted to court me? Does he see it as a game or competition? Naiinis ba siya kay Allen kaya niya ginagawa ito?

Just by thinking of those questions is hurting me. I don't think I could ever accept that kind of answer. Especially not from him...

"Why do you think?" tanong niya saakin.

Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil halos magkadikit na kaming dalawa.

"Kasi nanliligaw si Allen? K-kasi naiinis ka? Kasi... kasi provoked ka? Kasi..." Kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip pa ng dahilan. Parang gusto ko nang maiyak habang sinasabi ko iyon sa kanya. "K-kasi you feel competitive?" it almost came like a whisper from my mouth.

Narinig ko ang malakas niyang singhap bago siya lumayo saakin para tuluyan akong maharap. Agad kong binaba ang tingin ko upang hindi ko matagpuan ang mga mata niya. I don't want to look at him while thinking of those things.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon