ERW9
Pinanood ko si Theo na maglakad papalapit saakin. Sinara ko ang aking sketch pad at tinabi iyon sa ilalim ng aking bag na nakapatong sa upuang katabi ko.
"Sigurado ka bang wala kang ginagawa?" tanong ko sa kanya noong makarating siya sa table namin habang may hawak na tray. He glanced at me only for a short second. Hinila niya ang upuan sa harap ko at doon umupo. Inabot niya agad saakin ang cheeseburger na binili niya.
Tinanggap ko naman iyon.
"Mukha ba akong di kapani-paniwala?" tanong niya saakin at kumagat ng kanyang cheeseburger.
Bigla nalang kasi siyang nagtext kanina na nandoon siya sa labas ng campus. Sakto naman na hindi pa ako umuuwi dahil hinihintay ko pa si Fire. Noong lumabas ako ay inaya niya agad akong pumunta dito.
"Hindi naman..." nagdududa kong sabi at nagsimula na ding kumain.
"Pero?" siya na ang nagdugtong kahit wala naman akong planong lagyan ng ganon iyon.
But he's a career man who takes care of a really big company... and he's right here eating burgers in front of me.
Noong unang mga araw ko siyang nakilala, kahit wala pa akong clue sa kung sino siya noon at tanging nickname niya lang ang alam ko ay halatang sobrang busy niya. Pero bat nandito siya ngayon?
"Wala lang..." mahina kong sabi sa kanya at inabot ang binili niyang iced tea.
"So, have you figured out what do you need to do?"
Napatingin ako sa kanya habang umiinom ako. Bumalik sa aking isipan ang pag-uusap namin sa park noong nakaraan. Simula noong araw na iyon, mas lalo akong naging komportable sa kanyang presensya. It was very unusual. From almost all the people that I am uncomfortable too, he was different.
"Is moving out of the comfort zone really a must?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong ibaba ang baso. Nanatili ang tingin ko sa burger na kinakain ko.
Nagkibit-balikat siya saakin at napansin ko ang bahagya niyang pag-ngiwi. Hindi ko alam pero napangiti ako noong masilayan ko iyon.
"Sabi nila kailangan mo daw kasing mag-explore. But for me, why do you need to move out if you're already contented and happy to wherever you are?" sagot niya saakin habang inaayos ang pangalawa niyang burger.
"Are you happy, Sey?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya. I wasn't able to recover fast. Kaya naman noong nilingon niya ako dahil sa hindi ko pagsagot ay puno ng pagtataka ang kanyang mata.
My heart was beating so fast but I can feel pain in it. Dahil nakalimutan ko na... kung ano ba tunay na pagiging masaya...
"You're spacing out again..."
Maliit akong ngumiti at umiling sa kanya.
"Nag-iisip lang ako."
"Katulad ng?" muli niya pang tanong.
One thing that I also observed about him is he always asks questions. Parang pinipiga niya lahat ng maari niyang malaman. He was really very mature, like a real adult. Minsan, naiisip ko na ding kailangan ko ata siyang tawaging Kuya dahil hindi lang naman isang taon ang tanda niya saakin. He's half a decade older than me. Kaso... nahihiya akong tawagin siya non.
"Did you ever..." tinaas ko ang tingin ko sa kanya na tumigil sa pagkain at hinintay na tapusin ko ang sinasabi ko. "-feel tired?" mas humina ang aking boses ngunit siguro naman ay narinig niya iyon hindi ba?
Bumilis ang tibok ng puso ko... mali... palagi namang mabilis ang tibok nito kapag kasama ko siya. Mas bumibilis ito kapag nasa ganito akong sitwasyon, kinakabahan.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...