ERW36

38.8K 1.1K 511
                                    

ERW36

"Dad, hayaan mo na lang ako."

"Fire, how could I let you when I know you're doing this because you're angry? Don't make rash decisions that you will regret."

"Sigurado ako..."

"Why would you need another place when you have a home?!"

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilang ang hikbi ko habang nakasandal sa tabi ng nakaawang na pinto ng opisina ni Daddy dito sa bahay. I rushed here when I heard that Fire finally came home after 3 days. And now, I'm hearing this...

Fire...

"I wanna be independent, Dad."

"You never wanted to be separated from your sister, Fire. Paano kita papaniwalaan ngayon?"

"I'll do it. Papasok ako sa med school pagkagraduate ko. Magiging doctor ako. Just let me have it..."

Napaupo ako noong marinig ko iyon. Niyakap ko ang dalawa kong tuhod habang tahimik na umiiyak.

No... ayaw nya non. Pinaglaban niya iyon na hinding-hindi siya dadaan sa mga natapakan na ng mga magulang namin. He always wanted to work in a Pharmaceutical company. He always told me about his fantasies filled with it. Bakit ngayon ay naririnig ko ito?

"Tumigil ka, Fire. Go to your room and rest. Or check your sister, she's been so worried about you."

"Dad, eto na nga ako! I'm telling you now that I would be a doctor like you always wanted! Bakit ngayon ay tinatanggihan nyo ako?"

Napa-igik ako noong marinig ang malakas na hampas ni Daddy. Hindi ko alam kung saang parte iyon ng opisina niya ngunit alam kong may tila kahoy na tinamaan. Alam ko namang hindi kay Fire 'yon dahil hindi naman sasaktan ni Daddy si Fire.

"Wala! Walang magdo-doctor! Kahit matapos sa henerasyon ko ang mahabang titulo ng pagiging pamilya ng mga doctor, wala sa inyo ang magdo-doctor!"

It was an angry shout but what I felt is more. It was his pain and fear...

Mas lalo akong napaiyak dahil sa narinig ko. I caused this all... every mess in our family is because of me.

"Oh my god..."

Napataas ang tingin ko kay Mama na natigilan noong makita akong nakaupo sa lapag at tahimik na umiiyak. Sumulyap siya sa pinto na nasa likod ko at agad siyang napatakbo saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Let's go back to your room, Sey." masuyong sabi ni Mama na patuloy na hinahaplos ang braso ko at tinutulungan akong tumayo.

Hindi pa ako nakakahakbang ay bumukas na ng malaki ang pintong nasa tabi ko. Nakita ko ang gulat sa mata ni Fire noong makita akong umiiyak sa bisig ni Mama. His jaw clenched and he look away.

"Fire..." hikbi ko ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Santiguel Fire!" sigaw ni Mama na nagpatigil sa paglalakad ni Fire ngunit hindi siya humarap saamin. "Mag-usap tayo sa baba. Hintayin mo ako." utos nito.

"Ma..." I called her when Fire started walking again. Akala ko kasi ay pipigilan niya itong umalis.

Napansin kong nasa tapat na rin ng hamba ng pintuan si Daddy at mapagpatawad na nakatingin saakin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod.

"I'll talk to him..."

"Galit siya sakin. Ma."

"Shh, hindi ka matitiis noon. Ikaw ang pinakamamahal noon..." Mama chuckled lowly, trying to comfort me with her soft words.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon