Bike
-1989
Y a n n a
Nandito ako ngayon sa UPD busy sa paghahanap ng dorm ko. Hindi naman ito ang first time kong makapunta rito dahil malapit lang rito ang dati kong university. Naliligaw na ata ako dalhin kanina pa ako paikot-ikot rito, nakakahiya kasi magtanong dahil halos lahat ata ng tao rito ay nagmamadali.
"Tabi!" Sigaw ng isang lalaki kaya agad naman akong napalingon at natumba kasabay ng pagsemplang ng dalawang lalaki mula sa bike nila. Kung minamalas nga naman, hindi na nga makita yung dorm tapos muntik pa mabangga ng bike.
Para akong na estatwa pero agad din ako bumalik sa ulirat ko at tumakbo ng mabilis papunta sa isang side. Jusko muntik na akong matisod dun sino ba kasi 'to, hindi nag-iingat kainis naman.
Biglang namang sumemplang yung dalawang lalaki. "Aray puta." Daing naman nung nagdri-drive na lalaki kanina ng bike.
"Tangina." Saad naman nung angkas niya sa bike. Ano, puro mura nalang sila? Hindi parin nag pro-proseso sa utak ko yung mga nangyayari ngayon. Bigla namang tumayo yung kaninang nagdri-drive ng bisikleta.
"Miss, okay ka lang?" Tanong naman niya. "Okay lang ako." Tipid kong sagot kahit hindi naman talaga ako maayos dahil hindi parin talaga nagpro-proseso sa utak ko yung mga nangyayari ngayon.
Kanina naliligaw lang ako tapos ngayon naman muntik na akong mabundol ng bike, what a great day indeed. "Pre, tara na hindi naman natamaan si miss. Tanga mo kasing mag-bike." Saad ng angkas niya kanina at tumawa sabay ngisi.
Aba! ano yun ganun-ganun na lang? Teka ito ata yung member ng The Curfew at Sunday School 'ah? Makapal naman ang mukha ko kaya sila na lang ang tatanungin ko. "Pero teka, pwede bang magtanong kung saan ba yung molave dorm?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi pwede." Bulong naman nung angkas kanina nung isang lalaki sa bike. Kapal ng mukha, bubulong-bulong pa rinig naman. "Pre, ka-dorm mo pala si ate." Saad naman nung nagdri-drive ng bike kanina. "Diretso ka lang tapos kumaliwa ka." Saad ni kuya ngisi.
"Sige, salamat na lang." Saad ko at akmang tutulungan pa ako nung nagmamaneho ng bike kanina pero dahil sa inis ko dun kay kuya ngisi ay hindi ko na tinanggap ang kamay niya at tumayo ako ng mag isa, kaya ko naman ang sarili ko.
Nakita ko na biglang ngumisi itong si Kuya ngisi, napairap na lang ako at umalis na dun.
-----
Sa wakas! nakarating na rin ako dito sa dorm. Kumatok ako dito pero walang sumasagot kaya kumatok ulit ako.
"Sandali!"
Binuksan ito ng isang babae, mukha siyang nerd pero ang cute niya sa outfit niya. "Ako nga pala yung bago mong ka-dorm." Pakilala ko naman sa kanya.
"Tuloy ka." Saad niya at pumasok naman ako. Bumungad sa akin ang dalawang double deck, siguro may kasama pa kami dito na dalawa dahil may mga gamit yung ibang kama sa double deck.
"Aliyanna pero Yanna na lang." Pagpapakilala ko sa kanya. "Carmela pero Mela na lang." Saad niya at ngumiti sa akin.Hala, ang cute ng name niya! "Uhm... so bago ka lang? Ah, well halata naman pero pwede ko bang malaman kung saan yung university mo noon?" Tanong naman niya.
"Sa Ateneo, na qualified kasi ako dito kaya binigyan nila ako ng form for student exchange and here I am now." Pagpapaliwanag ko at ngumiti sa kanya, ngumiti din naman siya pabalik.
"Yanna, may klase pa ako kaya maiwan muna kita dyan, yung susi mo kunin mo na lang sa baba." Pagpapaalam niya. Tumango naman ako, ang boring dito kaya lumabas na lang ako.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...