"Mamahalin ko ang aking sarili,
Aalgaan
At ipagmamalaki
Hanggang sa matagpuan kitaSa sandaling matagpuan kita
Ay mauunawaan ko
Kung hindi magkukrus ang ating mga landas
Dahil hindi ko pwedeng pilitin
Na piliin mo ako"Naalala ko, noong mga bata pa tayo. Ikwinento mo sa'kin yung mga bagay na masasabi nating walang kabuluhan kasi nga malabo pa naman itong sumagi sa ating murang isipan.
Natatandaan ko pa yung mga detalye ng kuwento mo, na gusto mo kulay pink yung kulay ng cake tapos dapat elegante at magarbo. Kung kalian at saan gaganapin ang kasal mo, gusto mo dapat sa Taal Basilica o 'di kaya ay sa lugar kung saan madaramang sagrado ang presensya ng kasal. Planado na nga rin kung sino ang kukunin mo na bridesmaid, tapos sabi mo pa magpapasadya ka ng damit pangkasal na talaga naming magpapalitaw sa akin mong kagandahan.
Pero sa paglipas ng panahon, nakumbinsi ka na hindi ito kagaya ng mga kwento na may happy ending, nakumbinsi ka na walang dadating na knight and shining armor upang iligtas ka sa kung ano mang kalbaryo ang meron ka, dahil nalaman mo na ang reyalidad ay walang kasiguraduhan. Hindi natin tiyak kung sino ang mananatili, hindi natin tiyak kung kanino tayo mahuhulog, hindi natin tiyak kung kalian tayo unang magmamahal, hindi natin tiyak kung makakabangon tayo sa una nating pagkawasak, upang makabawi at magpatuloy.
Sa mga sandaling iyon, nais mo na lamang mahanap ang taong sasamahan kang humarap sa mga walang kasiguraduhan na bukas, at sasamahan kang sumugal sa mapaglarong laban ng buhay. Ang nais mo na lamang ay katiyakan at pag-ibig, ang mahanap ang taong sasamahan kang tuparin ang mga pangarap nyo na dati ay ibinubulong mo lamang sa hangin at sa yakap mong unan. Ang taong hindi matatakot na maubos at magpapatuloy kang piliin kung hindi mo na maintindihan kung bakit ka nananatili. Ang taong hindi kakabahan at mangangatog ang tuhod kapag narinig ang salitang walang hanggan. Dahil hindi puro sarap ang buhay, dapat katuwang mo sa tamis at pait, sa kalungkutan at kasiyahan. Siya ang gusto mong makasama na gumawa ng magaganda at masasayang ala-ala sa bubuuin nyong tahanan. Naniniwala ka na dadating ang tao na mag-aalaga sayo, susuportahan ka, ipapagmalaki, at mamahalin ng tapat, ang magiging kasiguraduhan sa lahat ng iyong mga duda.
Mabuti kapa, kase ako sa totoo lamang ay nabablangko ako. Hindi ko alam kung naka-barong o amerikana ako, o kung anong maaaring kalabsan ng kasal ko. Pero sa tingin ko, bagay naman sa kanya ang aking apelyido. Mag mimistulang musika ang tunod ng kampana habang dahan-dahan syang naglalakad papunta sa altar. Habang hinahantay ko sya ay tatangayin ako ng mga paro-paro patungo sa alapaap. Salamat at natagpuan kita.
Ang kanyang mga ngiti ay isang kurba na mistulang isang magandang tanawin, napakasarap titigan. Handa akong malunod sa lalim ng kanyang pagkatao at gagawin kong pamilyar ang aking sarili sa mga kwento nyang matagal ng nahimlay sa takot ng husgahan sya ng mundo. Sapagkat mas mamahalin ko sya sa mga araw na hindi nya maintindihan kahit ang sarili nya, mas mamahalin ko sya at tatanggapin ng buong-buo.Kapag naman tinanong ako ni Father ng "tinatanggap mo ba sya bilang kabiyak ng iyong puso?" siguradong naka "Yes Father" na ako bago nya pa matapos ang pangungusap. Sabay hingi ng dispensa sa aking inasal, pero kase nakita ko ang future kasama sya nung minsan ko sya'ng mahalikan sa noo, sabi ng iba pag-galang daw iyon at pagrespeto.
Kung tatanungin moa ko tungkol sa kasal ko, pasensya na wala talaga akong matinong maisasagot. Pero kung tatanungin moa ko kung paano ko ilalarawan ang pakakasalan ko, ang masasabi ko lamang ay,
"Walang papantay sa ganda nya at mas lalo syang gumaganda kapag tumatawa. Pero hirap syang magsinungaling dahil hindi naman nagsisikreto ang mga anghel. Kung may maglakas loob man at magtanong kung paano ko sya ilalarawan ay hindi ko rin alam, sapagkat hindi ko alam kung ano sa mundong ito ang ginawa kong mabuti upang ipagkaloob sya sa'kin? Maybe she's my so called, dreams really do come true. May boses syang mistulang kapeng barako, gumigising at nagpapatibok sa natutulog kong puso. Malalasing ako sa tuwa kapiling s'ya. Kung sya naman ay magmimistulang libro ay handa ko syang basahin at kabisaduhin ng paulit-ulit hanggang sa may mahanap na pagkakamali, hanggang sa maunawaan ang mga hindi maintindihang talinhaga. Kahit marami syang lihim at pagkakamali, tatanggapin ko sya even on her worst day. Dahil mahal ko sya at ginusto kong manatili sa araw-araw"
Hindi ko alam kung kalian at kung saan ako ikakasal. Sigurado lamang ako na kaboses mo sya, magkasing-rikit ang inyong mga mata, mga buhok na nagmimistulang korona.
Noong unang araw na nakita kita ay nabihag mo na ang aking damdamin, ikaw ang nais kong makasama sa habang buhay.
Pero ang totoo, hindi ko alam kung kalian at kung saan ako ikakasal. Ang tanging sigurado ko lamang ay nahuhulog na ako sayo, hindi ko na pipigilan ang aking sarili na mahulog sayo, mahal na yata kita.Mahal na nga kita Elarya
"Iba tayo
Hindi katulad ng sa kanila
Kasi kapag sinabi kong mahal na kita
Hindi tayo magsisimula
Magtatapos tayo-Orleng Malinay"
Ika-14 ng Pebrero, 2020
Mahal kong Elirya,
Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Panatiko ka ng relihiyon at tagasunod ng 'di umano'y dakilang presensya na lumalang sa lahat at ako naman ay naniniwala na ang lahat ay kayang ipaliwanag ng siyensya. Tanda ko pa noon, aksidente kitang napaiyak at bigla na lamang tayong naging matalik na magkaibigan. Hindi ko alam kung naguilty ba ako that time or its just there's something in you that I can't even resist. Hindi ko alam kung paanong ang simpleng biruan ay nauwi sa kamustahan, suportahan hanggang sa naging tagapakinig na tayo ng hinaing sa buhay ng isa't-isa. Perpektong nilikha ng sinasamba mo ang lahat gaya ng lagi mong sinasabi sa akin, kaya hindi ko alam kung may parallel universe nga ba katulad ng binabanggit sa siyensya. Kung meron man, sana naipagtapat ko sa iyo ang nararamdaman ko, sana ako ang pinili mo sa lugar na iyon, sana masaya ka sa piling ko sa sinasabe nilang parallel universe. Hindi katulad ng mundong ginagalawan natin, hindi ko man lamang masabi sa iyo na mahal kita, pero sana nararamdaman mo, kase ipinaramdam mo rin na mahal mo ako.
Oh' you were a good dream
Alam kong malayo ito sa inaasahan, pero hinayaan ko ang sarili kong sumugal sa mga walang katiyakan at hinayaan ko ang sarili kong manatili. Hindi man inaasahan ang pagkakataon, hindi na ako takot mawala ang anumang meron ako huwag lamang ikaw ang mawala, napamahal na nga siguro ako sayo. Nakikita ko ang sarili ko na masaya sa piling mo, kahit hindi ko alam kung pareho din ang nararamdaman mo para sa akin. Kaya hinayaan ko itong damdamin sa sarili ko, humanap ako ng kapintasan sa iyong pagkatao pero lalo lamang akong mahulog sa'yo. Nalunod ako at nahumaling sa ganda ng iyong presensya. Hibang baa ko kung sasabihin kong nakikita ko ang sarili kong hinaharap ang mga walang kasiguraduhan ng bukas kasama ka? Malamang oo, dahil mas maganda at perpekto panaginip na kasama ka kaysa sa reyalidad na aking kinakaharap.
I'd spent a lifetime waiting in vain just to go back to the way we were before
Hanggang sa hindi na tayo nag-uusap, kaya sumamo ako sa sinasamba mo, n asana gawan nya ng paraan upang magka-ayos, na babalik ka, na masaya ka din sa piling ko, kahit imposible, kahit malabo. Dahil hindi ka na lamang basta ekstranghero, pinapasok na kita sa buhay ko, mahal na yata kita, kahit mali, kahit bawal. Nananalangin pa din akong babalik tayo sa dati, kahit hindi ko alam kung may katiyakan ang pagbalik mo, at kung oo ang sagot, malugod kitang tatanggapin.
All this time I have been yours
Nandito man ako ngayon at nangungulila, inaamin ko na masaya akong nakikita kang masaya. Kahit marami na akong nakilala at patuloy pang makilala, walang makakapuno sa puwang na iniwan mo sa aking puso. Ikaw ang bahagi na palagi kong babalikan kahit hindi mo na ako lingunin, sa'yo ako simula pa ng una, palagi akong mananatili kahit matagal ka ng lumisan.
Sa'yo ako palagi sinta hanggang sa maglangib ang sugat na naiwan nitong pag-ibig, palagi kitang mahal.
Never mind you were never mine
Hindi ko ng apala naipagtapat sa'yo na mahal kita dahil komolikado ang lahat at natakot akong masaktan, maiwan at mawalan. Hindi ko nga pala naipagtapat na mahal kita, siguro love hormone lang yun or baka kulang lamang sa adrenaline.
Everything turned into regrets and what if.
Sayang, paano kaya kung tayo?Totoo at tapat kitang ibiibig,
Lucas
YOU ARE READING
LIFETIME
Romansa"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"