Nahanap ko ang tahanan at pag-ibig sa piling mo.
Elarya wala akong maipagmamalaki sayo at maipagyayabang. Nais ko lamang ay alagaan ka at mahalin, ang makita kang nananalo sa buhay habang unti-unting inaabot ang iyong mga pangarap.
Alam ko na nasas gitna ka ng pagdududa sa ipinapakita ko at ipinararamdam ko na pagtingin pero nasisiguro ko sa iyo na wala kang dapat ipangamba. Hayaan mo na patunayan ko ito sayo simula sa mga araw na ito at sa mga susunod pa. Paninindigan ko ang aking mga salita at pagpapahayag ng damdamin.
Hayaan moa ko na burahin ang takot mo ng dahan-dahan.
Dahil sawa na rin ako sa ipinapakitang kalupitan ng mundo. Nais ko na lamang manahan sa piling mo habang unti-unti nating inaabot ang tagumpay at ating mga pangarap.
Alam ko at hindi kita mamadaliin sap ag sagot, gusto ko na ikaw mismo ay sigurado sa iyong pag-ibig. Pero hayaan mo lamang akong mahalin ka, para ikaw mismo ay sigurado sa pagbabalak mong pagsugal at pagbabaka sakali. Hayaan mo lamang ako na mahalin ka at kapag handa kana, baka sakali na papabor sa atin ang tadhana.
Baka sakaling manalo,
Baka sakaling sumaya,
Kaakibat man ito ng takot dahil hindi natin malalaman ang susunod na bahagi kung magpapadala tayo ditto sa sarili nating pagkabahala. Dahil posible na takot tayo sa sigwa na ating kakaharapin,
Takot tayo sa dadatnan nating pagkawasak,
Takot tayo sa liwanag dahil tuluyan tayong nabighani sa ganda ng dilim at pag-iisa, pero ngayon ikaw ang buwan na tumatanglaw sa akin.
Pero ngayon tayo ay magkasama.
Huwag kang matakot sa pagmamahaldahil bibigyan kita ng kasiguraduhan at sa sagot sa mga tanong na matagal ng gumugulo sa iyong isipan. Ibibigay ko ang hindi mo pa natatagpuan,
Ang suporta,
Tiwala at pag-ibig.
Iibig tayo na para bang hindi pa nararanasan ang mabigo. Gagawa tayo ng dambana na sasalamin sa busilak at tapat na pagmamahalan.
Walang pangamba,
Kasiguraduhan lamang ang mangingibabaw.
Huwag kang matakot dahil hindi kita papabayaan, sayo lamang ako iibig ng tapat. Walang makakatumbas sa hatid kong pagmamahal. Sa piling ng isat-isa, hindi ka na mag-iisa, pangako.
Huwag kang matakot basta subukan mo lamang. Wala naman sigurong mawawala kung magbabaka sakali ka sa pagkakataong ito. Kung may rason man, sapat na sigurong dahilan ang minsan mong hindi paniniwala sa hiwaga ng totoong pag-ibig.
Kung hindi tayo magtatagumpay, ang mahalaga ay ating nasubukan at naranasan, dahil dito tayo tuluyang matututo at lalakas.
Pagkakataon lang Elarya, isang pagkakataon lang ang hihilingin ko sayo. Magiging sapat na ito para patunayan sayo ang lahat,
Na hindi mo kailangang matakot,
Hindi mo kailangang magduda
Kailangan mo lang na maniwala.
Nagbabalik ako sa simulain.
Ang mga ngiti mo, noong una ko itong masilayan, isa ito sa mga bagay na simula ng aking matunghayan ay palagi ko ng ninanais na Makita.
Hihintayin kita,
Magbigay ka ng pahiwatig upang malaman ko ang sagot mo.
YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"