KABANATA 25

4 1 0
                                    

Ngayong natapos na ang walang humpay nap ag-ulan ay matutunghayan mo ang isang napakagandang bahaghari. Sisimbolo ito ng bagong simula. Dahil kasama sa mga nalunod sa ulan ang masasamang ala-ala ng nakalipas.
Palaging nagpapatawad ang pag-ibg.
Palaging umuunawa ang nagmamahal.
Pipiliin nitong makalimot sa skabila ng sigwang naidulot ng digmaan ng nakaraan.
Ang pagiging matapang ay sumasalamin sa isang umiibig. Nagpapatuloy sa kabila ng mga hamong kakaharapin, hindi natitinag sa mga patibong at patalim. Mga salitang sapat upang umapula ng nagbabagang damdamin. Ngunit hindi sya magdadalawang isippp, susuungin pa rin nya ang lakbayin at magpapatuloy. Mas matibay ang kanyang dedikasyon at paninindigan.
Walang hindi kayang lampasan ang taong nagmamahal.
Sapgkat mayroon itong sapat na dahilan para magpatuloy. Mayroon itopng sapat na dahilan para lumaban,
Para sa prinsipyo,
Para sa minamahal.
Walang katumbas na halaga ang pag-ibig subalit ito ang isa pinaka mahalagang aspeto para mabuhay. Nandito ako ngayon at nahanap ka sa gitna ng paglalakbay.
Ang dala ko lamang ay sarili, Dedikasyon na ikaw ay paibigin,
At mga pangakong ikaw lamang ang aking mamahalin at pakaiingatan.
Wala akong madadalang material na bagay upang ihandog sayo. Ang baon ko lamang ay mga bungkos ng ala-alang hindi mapapantayan ng ano mang regaling maaari mong matanggap. Pag-ibig na hindi katulad ng sa karamihan.
Ikaw ang bagong anyo ng pag-ibig, ang bagong pakahulugan.
Tahanang maituturing ang lugar kung saan kapiling ka. Marahil ikaw na nga siguro ang kikilalanin kong bagong tahanan.
Payapa.
Napakaganda.

LIFETIME Where stories live. Discover now