Hindi man ako nauna, mayroon mang mga lumisan at dumating sa piling mo. Nagdala ng lamat at leksyon o biyaya sa iyong buhay. Malugod kitang tatanggapin kasama ang iyong nakaraan.
Maaaring nalimot mo na ang totoong pakahulugan sa pag-ibig o nawala na ito sa iyong bokabularyo pero darating ang isang araw na ito ay kakatok muli sa iyong piling at mamarapatin mong mag simulang muli sa kabila ng lahat. Ang magmahal na para bang wala pang natatamong pinsala.
Ngayon ay kumakatok ako sa bakante mong silid dala ang pagmamahal na maaari kong maialay. Katulad sa kung paano akong naging handing masugatan sa paggawa ko ng aking unang hakbang. Hayaan mong mahalin kita na parang nabubuhay ako upang gawin ang bagay na ito.
Dahil hindi tayo perpekto at nababalot tayo ng kapintasan na pilit man nating takas an ay hindi natin magagawa. Bahagi na ito ng ating buhay at pagkatao. Hindi tayo perpekto ngunit nakukuha nating magpatawad na parang mga bata na may alitan, magbibigay ng isa pang pagkakataon dahil nangingibabaw ang pag-ibig sa kabila ng lahat.
Napapasaya mo ako ng mas higit sa mga paborito kong awitin,
Ipinakita mo sa akin ang hiwaga ng buhay,
Ang pagkakamali at pagkatuto,
Ang pagiging malakas,Kaya hayaan mo akong ialay ang lahat ng maaari kong ibigay para sayo.
Hayaan mo akong ibigin ka na parang malapit na ang katapusan ng mundo.
Alam ko na malayo ito sa depenisyon ng pag-ibig na iyong nakagisnan. Pero hindi ako susuko hanggang sa magtama ang pintig ng ating mga damdamin, sasayaw tayo na para bang tayo lamang ang nasa paligid.Iniaalay ko sayo ang aking puso kahit wala pang kasiguraduhan na akoy iyong iingatan. Ngunit sa kabila ng lahat ay hayaan mong mahalin kita,
Ng walang hinihiling na kapalit.
Sapagkat katiyakan ng damdamin ang maipapakita ko sayo araw-araw.Palagi.
Dahil walang katiyakan ang pag-ibig para sa mga nilalang na hindi pinili ang pagiging malakas. Pero kung dadating ang panahon na mauubos tayo at mawawalan ng rason para magpatuloy.Isipin natin kung bakit tayo nanatili.
Nagmahal tayo at sapat na ito para mamalagi.
YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"