KABANATA 8

14 1 0
                                    

Hindi ka maalis sa isip ko
Nakakapagtaka,
Tama bai to?

Noong mga oras na iyon ay gusto ko ng magpahinga dahil sa sobrang pagod na pagoda ko sa maghapon, pero ito ako ngayon at buhay pa ang diwa. Pumasok ka ng biglaan sa isip ko at hindi ko na lubusang malaman kung nasakatinuan pa nga ba ako.
Tama ba ito?

Hindi ko masagot ang sarili ko.
Isa ito sa pinakanakakatakot na maaaring mangyare kapag nagkataon. Kapag nangarap ako ng bukas na kasama ka, kapag nagplano ako ng mga bagay na kasama ka. Gayong hindi ko alam kung ganun din ang nararamdaman mo para sa akin.
Pinalaki ako sa ideya na kaya ko at kakayanin kong mabuhay ng walang katuwang sa buhay.

Pero ito ako ngayon nag iisip ng mga imposible. Mga bagay na walang katuturan. Pero may kakaiba sayo, o ako lang ang nag-iisip non, paano ba naman kabaliktaran tong ideya ko sa nangyayare saten sa reyalidad. Pero sigurado ako na may kakaiba sayo, hindi ko alam, para akong mawawala sa sarili kapag hindi kita nakikita. Tahimik pero hindi payapa, tahimik pero hindi kalmado.
Kung bibigyan ko siguro ng pansin napakabilis ng oras kasama ka, dahil hindi ko namamalayang matatapos ang isang araw kakaasar at kakakulit mo saken. Parang may bahagi sa akin na humihiling na pwede bang pahabain ang oras. Nakatapos ako ng isang araw kanina, tahimik pero hindi masaya, parang may kulang.

Normal ba kung iisipin na may patutunguhan tayo sa kabila ng lahat, puor away at asaran? Na baka ang simple nating pagtahak pabalik sa piling ng isat-isa ay nangangahulugan ng pagpapatawad, nangangahulugan ng pag-ibig.

Ilang araw ka ng wala sa klase at madami ka ng kailangang gawin para makahabol.
Ilang araw ka ng wala sa klase pero patuloy mo pa ring dinadalaw ang isip ko. Para na akong mahihibang pero hindi pa ako umiibig. Nagkataon lang siguro ito. Nagkataon lang na sisilip ka sa aking panaginip at duon ay kabaliktaran tayo ng hinaharap nating reyalidad.

Tayong dalawa,
Masaya sa piling ng isat-isa.

Masyado mo kong pinapahirapan Lucio.
Wala akong makitang matibay na dahilan kung bakit ako nagkakaganito. O ito ang pag-ibig at hindi ko namamalayang pinatuloy ko na sya sa king tahanan. Hindi ko rin alam kung bakit naiisip kita, ang mahalaga ay nasa ilalim tayo ng iisang kalawakan.

Maganda ang buwan at makinang ang mga bituin sa langit.
Kailangan ko na sigurong magpahinga.
Hindi naman siguro masamang humiling na iniisip mo din ako?

Naguguluhan na ako.
Pero bahala na sa kung ano ang posibleng kalabasan.

Kung totoo ang ipinapakita mo.
Kung masasaktan mo ako, O kung ano pa man ang pupwedeng mangyari.
Susubukan ko sa pagkakataong ito,
Huwag mo sana akong sukuan.

LIFETIME Where stories live. Discover now