KABANATA 29

3 1 0
                                    

Nakatapos na tayo ng kolehiyo.
Parang kalian lamang, para tayong mga aso’t pusa na palaging nag aaway. Pero sa kabila nito palagi nating nahahanap ang daan pabalik sa isat-isa.
Sa pagtatapos ng yugtong ito, sobrang sayo ko,
Para sa akin,
Para sayo,
Para sa atin.
We are one step closer to our dreams.
Nakakatuwang isipin na lahat ng dedikasyon, pagod, hirap at pagpupursigi ay unti-unti ng nagbubunga, isang bagay ito na sigurado na ating maipagmamalaki. Walang pagsidlan ang tuwa ko noong mga sandaling iyon, lalo na ng mga oras na ipinakilala mo ako sa iyong pamilya.
Para tayong mga bata na nahanap ang kagalakan dahil natapos natin ang kolehiyo. Naging hantungan natin at pahinga ang isat-isa.
Kinuhanan tayo ng mga letrato,
Kaming pamilya,
Kayo,
Tapos tayong dalawa.
Plano ko na ilagay ang picture na yon sa aking wallet. Para kahit wala na akong pera e pakiramdam ko pa rin mayaman ako kase nandun ka, nandun tayo.
Ito ang una nating larawan na magkasama, kaya napaka espesyal nito para sa akin. Ganun ka din ang tugon mo.
Napagtanto ko na may kakayanan kang gawing espesyal ang kahit anong larawan basta nandun ka, katulad ng ginawa mo sa mundo ko.
Ito ba ang reyalidad?
O isa lamang itong kathang isip at sumilip ka sa panaginip ko?
Kinurot moa ko sa pisngi at dumapo ako sa aking kamalayan. Mahal nakatapos na tayo ng magkasama, malapit na nating matupad ang ating mga pangarap, hindi kaba masaya?
Masaya,
Walang paglagyan ang tuwang nararamdaman ko.
Binigyan kita ng isang kumbinsidong ngiti.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari.
Nakapagtapos kame
Magkasintahan na kame ni Elarya
Legal at hindi kailangang magtago, walang pagkukunyari.
Tara na mahal may kaunting selebrasyon daw tayo nina mama.
Totoo bai to?
Kung oo?
Salamat,
At kung hindi, kung ito ay panaginip ay hahayaan ko na lamang ang aking sarili na mahimlay. Sapagkat ito ay napakagandang panaginip,

Isang sinagot na panalangin, di hamak na mas maganda pa sa reyalidad.

LIFETIME Where stories live. Discover now