“Surot pala ha,
Napaka gwapo ko namang surot.”Magaling na akong Friday, then I realize na chance ko na para sulitin yun kase ipit na araw na din naman. I’ll just bring my medical certificate sa Monday at papapirmahan ko sa lahat ng subject teacher para maging valid yung pag absent ko at tatanggapin yung mga ginawa ko na requirements.
Napakahaba ng araw ng sabado para sa akin kase plinano kong tapusin ang lahat ng gawain na naiwan ko syempre sa tulong ni Elarya.
Sobrang nice ni Tita soon to be Mama, tapos ang galing nya pang magluto parang mapapasarap at mapapadalas ang pagbalik ko bahay nyo. Sobrang nag enjoy ako din ako at syempre sobrang thank you din sa tulong mo. Baka kung wala ka ay hindi ko matatapos lahat ng yun.
Pero mas nice yung mga pasimple kong sulyap sa maganda at maamo mong mukha. And fvck nahuhuli kitang nakatingin saken tapos sabay iwas na para bang walang nangyari.
Kinikilig ako.
Kinikilig ako pag hindi ko naiintindihan kung paano na solve yung mathematics equation, kung bakit x=2 tapos lalapit ka saken para ipaliwanag ng maayos.Kinikilig ako
At sa lahat ng klase ng pabango sa mundong ibabaw ay sa halimuyak mo lamang ako nahumaling ng ganito.Kinikilig ako
Parang may something talaga sa pagitan naten, ayaw kong mag assume ano, pero sana.Cute ka naman at mukhang mabait,
Pag tulog,
Oo,Nakatulog ka sa sobrang pagod. Inooserbahan lang kita at pinagmamasdan. Napakaganda mo. Para akong nakaharap sa isang magandang tanawin at akoy sobrang humahanga dahil ngayon ko lang ito nakita.
Hindi na kita ginising sa sobrang pagod mo, inilipat nalang kita sa sofa. Pero syempre ipinaalam ko muna kay tita. May bait ka din palang itinatago sa katawan, ibang iba tayo kanina kaysa sa harap ng madaming tao.
Pagkatapos noon ay pumunta ako kay Tita sa kusina.Madami kaming napag usapan. Tapos kinukwento ko tayo, kung paano tayo mag away at magbati. Natutuwa sya, ang dami naming napag-usapan, mga kwento nya na talaga namang kakapulutan ng aral. Tapos yun nga ang galing nya sap ag luluto.
Syempre ikaw, yung mga gusto at ayaw mo.
Kung bakit ganun ka pinalaki ni tita,
Kung bakit nagdududa ka sa pag-ibig.
Mga bagay na magpapasira ng mood mo.
Mga bagay na hindi mo matatanggihan at mga paborito mo.Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha, pero nagpaalam ako kay tita na liligawan kita. Akala ko magagalit sya kase bigla syang natigilan.
Pero hindi,
Kinabahan ako,
Pero agad itong napawi sa narinig ko.Pumayag si tita,
Basta ipangako mo sa akin na hindi mo papabayaan at sasaktan ang anak ko. Magtulungan kayo upang matupad ang mga pangarap nyo. Kase ayaw kong matulad sya sa sinapit ko. Naiintindihan mo ba ako?
Nangingilid ang luha nya,
Opo, hindi nyo po pagsisisihan ang pagpayag.Yung sibuyas kase pabiro nyang sabe.
Sa mga sandaling iyon, wala akong ibang inisip kung hindi ang paano mapapasaya si Elarya. Kung paano ko sya aalagaan,
Susuportahan,
Ipagmamalaki,
At mamahalin.Buong tapat at hindi nya kailangang magduda.
5:30 na pala ng hapon, kaya minabuti kong magpaalam na kay titakase tulog na nga si Elarya.
Sana po makadalaw rin kayo sa bahay.
Umalis akong masaya,
Nakatapos ng activity,
Kasama ko si ElaryaAt pumayag si Tita na ligawan ko ang anak nya.
Nakarating akong ligtas sa bahay namen.
Mukhang mapapadalas ang hindi ko paggawa ng activities ah.
YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"