KABANATA 7

17 1 0
                                    

Bakit ang bilis?
Bakit ganito?
Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Imposible na kikiligin ako sa lalakeng yon.
Pero paano?
Kung dahan dahan na nga akong nahuhulog? Di bale nalang, isasantabi ko nalang ito, iniisip ko lang to.
Ah, pero bakit ko sya iniisip?

Fvck!

Hindi pupwedeng nahulog ako ng hindi ko namalayan, hindi pupwedeng biglaan. Pero bakit hinahanap ko na ang presensya mo ng hindi ko sinasadya?
Normal ba ito?

Or I was just thinking that there is someone na babaliin ang paniniwala ko at sasagip saken sa pagiging isang matandang dalaga. Kidding aside, pero hindi ako natutuwa sa nangyayare. Nakakailang at nakakainis, ganito ba kahiwaga ang sinasabi nilang pag-ibig?

Talaga bang kaya nitong baliin ang paniniwala mo?

Pero sa tulad ng bwisit na yon, bakit don?
Bakit sya?

Oo alam ko na palagi syang nakakaasar at nakakairita, pero normal bang hanapin ko sya? Normal ba itong nararamdaman ko? Lord ayaw ko naman pong tumanda ng dalaga, pero seryoso po kayo? Kay Lucio? Bakit po?
Bakit po simula ngayon?
Bakit po palagi?
Totoo ba to?

There is someone with me and stick around who is brave enough to calm my storm, o baka nattutuwa lang ako sa ideya at presensya nya? Did I fvcking say natutuwa?
What the fvck is wrong with me?
Isanag araw napakatahimik ng paligid at hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Payapa ang lahat pero parang may kulang, pakiramdam ko mas matatahimik pa ako kung nakikita ko sya sa paligid. Hindi ko hinahanap ang bwisit na yon tumutulong lang ako sap ag monitor ng attendance,
Pero walang chance na hinahanap ko ang presensya nya

Siguro dahil wala lang akong makalaban or wala syang kasing lakas ng loob. Siguro dahil na din sa nasanay ako, alam nya kung paano ako aasarin at paano ako papakalmahin. Pero paano kung tama sila na table will turn at at may isang tao na dadating at babaguhin ang paniniwala mo sa lahat, wala ng pagdududa at pangamba, pipiliin ka sa araw-araw.

Pero hindi ko rin masabi na nagugustuhan ko na sya, malabong mangyari iyon. Naguguluhan lang ako sa aking damdamin. Siguro dahil ngayon ko lang naramdaman ito. Pero kung ikaw nga ang unang pag-ibig at aking hantungan. Sana maunawaan mo ang aking pangamba dahil hindi ako kasing lakas mo.

Pero sa tagpong ito, parang nauunawaan ko na madaya ang pag-ibig, dahil bibigyan ka nito ng karapatang maging mahina. Dahil alam ko na nanjan kana at aalalay sa akin. Sa tagpong ito, kung ang isang umiibig ay nangangahulugang magiging mahina ay buong lakas kong isusuko ang lahat sayo.
Ang aking paniniwala
Pangamba
Pagdududa

Dahil ang totoo kung nabasag mo na ang pader na minsan kong ginawa upang ingatan ang aking sarili ay talagang may dedikasyon ka na akoy pahangain at pa-ibigin.

Sapagkat hindi ako takot mag-isa, takot lamang akong umamin sa damdamin.
Takot akong kumawala sa maskara ng pagiging malakas at matapang sa harap ng madaming tao. Dahil ngayon, sinusubukan ko at magbabakasakali na muli akong maniniwala,
Magtitiwala
At magmamahal.
Hindi ako natatakot umibig, siguroy ayaw ko lamang sa ideya na hindi kita makakasama sa mga araw na darating.
Hindi ako natatakot umibig, natatakot lamang ako sa maaari kong kahinatnan kapag ibinigay ko lahat ng aking makakaya para sayo.

Siguro ito na ang pagtatapos ng pagtatago sa isang tabing na kung saan minsan kong ikinulong ang aking sarili sa ideya na kaya kong mag-isa.
Kaya ko nga ba talaga?
Bukod tangi ka Lucio
Kung ang pag-ibig ay walang kasiguraduhan, magiging tiyak ako sayo. Kung ang pag-ibig ay pagbibigay, ay pupunan kita hanggan sa ako ang maubos. Mahiwaga ang pag-ibig at unti-unti na akong naniniwala dito.
Huwag mo sana akong biguin.
Huwag mo sana akong sukuan.
I came to my senses dahil nasa klase pala kame ng mga sandaling iyon. Tanghali na at wala pa din sya, halos matatapos na ang first period. Then I came to realize na hindi nga pala sya umaabot ng first subject. Dahil wala pa sya, ako lang ang magrereport ng topic nan aka assign para samen. Kayang kaya ko to, ako pa ba? I’m a strong independent woman.
Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko,
Random thoughts.

Maybe it was just a moment of weakness.

Ps: Sabe ng adviser namen may sakit daw sya kaya hindi sya nakapasok. Aba at tinatablahan pala sya. So I guess that was a lucky day, peaceful and productive. I made myself busy at madaling lumipas ang isa na namang araw. That was tiring and boring, pero ayos lang.
Ayos lang kaya sya?
Papasok na kaya sya bukas?
Pps: Hindi ako nag-aalala, wag kang pa issue. Get well soon Lucio.

LIFETIME Where stories live. Discover now