KABANATA 11

10 1 0
                                    

Habang tayo ay nasa ating paboritong tambayan. Bigla na lamang namutawi sa aking mga labi ang mga salita, parang matagal na nilang gustong kumawala sa akin.

Pero parang handa ka ring marinig ito base sa iyong ekspresyon. Baka may nais ka ding sabihin, baka parehas na nga ang ating damdamin.

Kinakabahan ako,

Ngayon lang ulit ako hindi magmumukhan komportable sa harapan mo kaya naman pinipilit kong kumalma.

Matagal ko itong pinag-isipan,
Matagal ko na itong gustong gawin.
Hindi ko alam kung anong nag uudyok sa akin, wala akong makitang matibay na dahilan.

Baka sapat na siguro ang koneksyon na ating nabuo sa loob ng napaka iksing panahon. Pero hindi naman kalabisan ang mag hangad ako ng higit pa dito hindi ba?
Hindi naman magiging kalabisan kung sa mundo ko ay papapasukin kita.

Ayaw kong matulad sa ibang tao na nagdadalamhati at nanghihinayang kapag huli na ang lahat. Kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon.

Bago mahuli ang lahat,

Magpapahayag na ako ng pag-ibig.
Wala namang masamang sumubok.

Elarya may pag-asa man o wala liligawan kita. Hindi mo kailangang sumagot hayaan mo lamang ako sa ginusto kong mangyari. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo sa mga sandaling iyon. Nakakatakot ang maaari nitong kalabasan pero paglalabanan ko ito. 

Pero,
Hindi bat mas nakakatakot kung sasayangin ko ang pagkakataon?

Paano kung ito na ang hakbang para sa happy ending na aking pinapangrap. Bahala na, pero matagal akong nag-ipon ng lakas ng loob para sa mga sandaling ito.

Ngayong nasabi ko na ang nararamdaman ko.

Magiging matapang na lamang ako para harapin ang kahihinatnan. Hindi ka matatalo kung pinili mong umibig at nagresulta ito sa isang kabiguan, ito ang sasalamin sa panibagong karanasan na ma magbibigay lakas sa iyo para magpatuloy.
Aantayin kita para malaman kung dapat pa ba akong magpatuloy o dapat ng sumuko na lamang sa laban na ako mismo ang nag simula.

Kung ang kakaharapin ko ay sigwa, muli akong gagawa ng paraiso mula sa mga guho. Kung papanig sa atin ang pag-ibig, magtulungan tayo para ito ay yumabong.
Napakaganda palagi ng nagiging paglubog ng araw, hindi natin alam ang magiging anyo ng kalangitan tuwing itoy sasapit. Katulad nito nais kong mahumaling sa iyong ganda kasama ang paparating na bukas.

Sa mga oras na ito ay kasama kita,
Nabibingi tayo sa katahimikan,
Ngiti lamang ang mababakas sa ating dalawa,

Walang namutawing tugon sa ating pagitan.

LIFETIME Where stories live. Discover now