KABANATA 33

4 1 0
                                    

Ano at sa paanong paraan nga ba tayo umiibig?
Ano ba ang bagay na nagustuhan mo sa kanya at paano mo ito nagustuhan? Paano kung biglang mapawi ang lahat ng rason kung bakit mo sya minahal?
Mananatili kapa rin ba?
Kahit hindi na nakakatawa ang nga jokes nya?
Kahit marahan ng kukumupas ang kanyang ganda?

Kahit na wala na syang maialay na materyal at pag-ibig para sa'yo?
Kahit sya ay naging nilalang na minsan nyang ipinangakong hindi nya kakahinatnan?

Pero sa kahit ano pa man ang rason ng biglaang pagkawala ng iyong nararamdaman o kung ano pa mang dahilan ang nag udyok para lalo itong lumago. Hindi maitatanggi na naging susi dito ang pagmamahal. Dahil kapag pinili mo ang umibig ay hindi ka hahanap ng rason para magmahal magiging sapat na rason ang pagmamahal para makita mong kailangan mong manatili.

Hindi na lamang siguro dahil sa kilig kung bakit ako nananatili. Higit na ito sa koneksyong nabuo namin ng magkasama. Alam ko that I may sound selfish for not giving him assurance pero I swear na hindi ko kayang mabuhay ng wala sya. Ayaw kong maranasan ang lahat ng sakit at paalam sa kanyang pag-alis. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi sya mawala dahil hindi lahat ay na bibigyan ng pagkakataong mahanap ang katulad ng aking natagpuan.
Nakahanap ako sa piling nya ng tahanan,
Kaibigan,
Suporta,
Kasiguraduhan
At pag-ibig
Nakahanap ako ng taong susuportahan ako sa lahat ng aking mga laban at sasamahan akong ipanalo ito.
Matagal akong natali sa masasamang ala-ala kaya siguro ganito ang kinalabasan. I should let him in para malaman nyang tuluyan ko na syang pinapapasok sa aking buhay.

Mahal ko sya at ayaw kong maisip nya at maramdaman ang mga bagay na nag pasakit sa akin mula sa nakalipas.
Mamahalin ko sya ng buo at tapat hindi na ako pangungunahan ng pangamba at pag tatanong. Susulitin ko ang bawat araw na kasama sya,

Gagawa ako ng masasayang ala-ala kasama sya. Alam ko na walang kasiguraduhan ang hinaharap na darating pero gusto ko itong salubungin kasama sya.
Sapat o higit pa ang sakripisyo at pang unawa ang ibinigay nya sa akin sa loob ng mahabang panahon ng aming pagsasama.
I can't bear with the pain that I'll deal with if I'll lost him.

Dahil sya ang sagot sa aking dasal,
Ang taong sumagip sa akin sa kawalan,
Ang nagburda ng ngiti sa aking labi,
Ang pakahulugan sa kasiyahan at pag-ibig
Ang tahanan ko at pahinga,
Isusuko ko na ang aking puso sa kung paano sya tumaya sa akin sa kabila ng mga walang katiyakan kong ipinapakita.
Ilalaban ko ito,
Kumapit ka lang at magpahinga.
Tears suddenly fell from my eyes. Naramdaman ko ang lahat ng pagod nya sa pag unawa sa akin. As I carres his skin sisiguraduhin kong hindi sya magsisisi na ako ang pinili nya. Mahal na mahal kita Lucio. I cuddled as I try my best to fall asleep again baka kase nananaginip lang ako.

He suddenly wishpered, I love you Elarya matulog na tayo.

And it hits me, may taong sumagip sakin and he stick around trying his best para tuparin ang mga pangako nya. Hindi ako nananaginip,
Pero kung oo,

Huwag na sana akong magising. Hamak na mas maganda itong nangyayari sa reyalidad. Si Lucio ang taong nagbibigay kulay sa panaginip ko at reyalidad.

LIFETIME Where stories live. Discover now