KABANATA 20

4 1 0
                                    

Kung darating ang araw na mapili mong lumisan ay mananatili ka pa rin at mamumuhay sa puso ko at ala-ala. Maiintindihan kita dahil mauunawaan ko na napagod ka din aking pagbalewala sa iyong damdamin.
Hindi ako makapagpakita ng sapat na rason atmatibay na dahilan para masiguradong mananatili ka. Ang masasaksihan mo lamang sa mga lugar na binigyan kitang permiso upang bisitahin ay pilat,
Sugat,
Guho,
At masasamang ala-ala.
Hindi kita masisisi kung mapapagod ka dahil hindi kita nabibigyang pansin. Dahil hindi katulad ng napagod na katawan, kapag ito ay nakapagpahinga ay makakaya na nitong magpatuloy. Subalit ang puso, ibang klase itong masaktan. Pipiliin nitong manahimik na para bang walang nangyari. Hindi kita masisisi sapagkat ang luha at pawis ay likidong lumalabas sa katawan kapag tayo ay napapagod na sa lahat.
Alam ko na hindi mo sasabihin sa akin na nababalewala kita dahil ikaw na lamang ang itinuturing kong kasangga. Ayaw mo na sumasama ang loob ko,
Ganun mo ako iniingatan.
Pero unti-unti pinapatay ko ang lahat ng rason para manatili ka, baka hindi ko pa rin kayang kumawala sa takot.
Alam ko na wala kang ibang gagawin kung hindi ang tangkain na pasayahin ako sa araw-araw. Kaya naman patawad kung darating sa punto na hindi ko ito mabibigyang halaga.
Kung darating ang araw na mapili mong lumisan,
Malugod ko itong tatanggapin,
Dahil hindi kita maaaring sisihin,
Ako ang may kasalanan kung ikaw ay mawawala.
Siguro nga ay mahal na rin kita. Kaya naman kung hindi ko maibibigay ang kasiyahan na hinahanap mo ay hahayan na lamang kitang maging malaya.

LIFETIME Where stories live. Discover now