KABANATA 31

3 1 0
                                    

Napakarami na nating pinagdaanan at alam ko sa sarili ko na mahal kita. Ganun pa rin ang nararamdaman ko sa kung paano ako kinilig sa'yo ng umpisa.

Hindi ko alam kung paano,
But I think ikaw mismo yung dahilan,
Ang personalidad mo ang bumihag sa akin ng lubusan. Tapos bigla nalang out of nowhere kinukwento na kita kung kanikanino,

Sa mga kaibigan ko at mga kapamilya. Proud na proud ako kapag kinukwento kita. With joy in the eyes.

Pinaka maganda ka kapag nagkukwento ka ng mga bagay na talaga namang gustong gusto mo. Ganito kita gustong makita. Kaya gustong gusto kita pasayahin. Gusto kitang pasayahin hanggang sa hindi kana magduda na pwede kang makatanggap ng pagmamahal mula sa paligid mo. Kung nakikita mo lang sana kung gaano kita pinahahalagahan at minamahal kase siguro pagnasaksihan to baka magiiba na ang tingin mo sa sarili mo. Baka makakawala kana mula sa takot na nag kulong sa'yo sa nakaraan.

Pero hindi katulad ko parang hindi ka pa rin naniniwala na may koneksyong nabubuo sa ating pagitan. Para bang nahihiya ka o natatakot at may pumipigil sa'yo. Para bang may isang bagay na nahihiya kang makita ng lahat, kahit ganun pa man mahal kita sa kabila ng mga ito.
Unti-unti natutunan kong maunawaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong maipaliwanag ang nararamdaman mo gamit ang mga salita. Hindi man kasing ganda o kasing kulay ng mga napapanuod natin sa pelikula o kasing romantic ng mga nasa fairytale pero may ibang atake ang kwentong naisulat nating dalawa. May katangian ang ating kwento na kikiligin sila sa ibang klaseng paraan. Ikaw ang plot twist ng kwento. Minsan naiisip ko paano kaya kung mahal mo ako at kaya mong iparamdam to sakin gamit ang mga salita? Siguro mas higit pa tayo sa relationship goal na sinasabi nila. Pero di bale na araw-araw mo namang pinatutunayan sa akin na walang kwenta ang mga salita kung hindi ito tutuparin. Your action proves why all these sweet words are meaningless.
Elarya, sa kabila ng kapintasan mo at pagkukulang, mga bagay na hindi ko pa natutuklasan patungkol sa'yo. Hindi ko ipagpapalit ang anumang yaman na matatagpuan, dahil higit kapa dito. Ikaw ang aking tahanan.

LIFETIME Where stories live. Discover now