KABANATA 4

15 2 0
                                    

Lumaki ako sa perpektong ideya ng pag-ibig. Siguro dahil sa nakagisnan kong masaya masaya at buong pamilya. Pero kahit ganun, para akong nangngulila sa pagmamahal at madameng katanungan. Siguro dahil sa mga panaginip kong kakaiba kaya ganito. Naniniwala ako sa ideya na magiging sapat na pundasyon ang pag-ibig para magpatuloy at lumaban.
Hahamakin ng kung sino man ang lahat para sap ag-ibig, katulad ng ideya na matatagpuan sa mga kwento. Kung saan ang bawat once upon a time ay magtatapos sa isang happy ending.
Na mahiwaga
May harana,
Talata
At tulang iaalay sa taong minamahal mo.
Same vibe para mas madaling maintindihan. Romantiko, maraming papagkasunduan, maraming pagkakapareho.
Sa mga hilig
Pamamasyal sa parke
Pagkain,
Musika,
At kung ano-ano pa
Agaran nga bang makikilatis at makikilala ang pag-ibig kung hindi tiyak na pareho kayo ng kinagisnan at paniniwala?
Sapagkat taliwas ito sa aking kakagisnan, ang pag-ibig ay isang talinhaga na si Elarya lamang ang sa tingin ko na makakpagbigay linaw at depenisyon. Kabaliktaran ito sa inaasahan kong mangyare. Pero nanaisin kong magpatuloy, kahit marami tayong hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba.
Sabi nila ang totong nagmamahal ay nananatili, at malapit ko na itong mapatunayan. Kahit humahadlang ang tadhana, kahit nagdududa ang pag-ibig.
Pero paki-usap bigyan mo ako ng pagkakataon
Bago mo ito tuluyang kamuhian, bago mo ito tuluyang makalimutan.
Magtiwala ka sa akin na kaya kitang sagipin sa iyong kalbaryo at pagkabigo, na minsan ka ding naniwala na ang pagtatapos ng once upon a time ay happy ending.
Ipagtatapat ko na sayong gusto kita
At sinabi mong wala kang panahon para ditto bago pa man ako tuluyang makapagsalita.
Kung magkagayon man, sinabi mo na hahayaan mo akong umibig
At timbangin ang aking nadarama
Suriin ang sarili, ang pag-ibig ko bang alay ay mananatili?
Lilisan?
O pag-ibig na hindi tugma?
Wala akong maisagot, binigyan moa ko ng napakagandang ngiti para hindi ako mailang.
Salamat at hinayaan mo akong mahalin ka,
Siguro napamahal na din ako sayo Elarya.
Kahit mahirap, salamat sa paniniwala, hindi ako panghihinaan ng loob, hindi kita susukuan.
Ngayon nandito tayo sa paborito nating kainan, iisa nalang ang Japanese cake napansin ko.
Nagkatinginan kame ng tindera,
Ngumiti sya,
“may uri ng tingin at ngiti ang mga matatanda upang ipahiwatig sa atin na malabo nating makukuha ang isang bagay. Kanina habang sinasabi ni Elarya na wala syang panahon para sa nararamdaman ko at walang oras pumasok sa isang relasyon, ay nahuli ko ang aking sarili. Nakangiti parehas ng sinasabi nila habang nakatingin sa mukha nya, hindi ko nga kaya mapapa-ibig ang magandang dilag na ito?”

LIFETIME Where stories live. Discover now