KABANATA 1

56 3 0
                                    

Sabi nila may kahulugan daw ang bawat panaginip ng tao, at syempre nakakapaisip na sa dinami-rami ng pupwede kong mapanaginipan ay bakit ang mga nakakatakot na kaganapan pang katulad nung mga napapanuod ko sa internet. That’s weird, sobra kong na freak-out. Hindi ko alam kung dahil bai to sa kakasubaybay ko sa mga action and thrilling movies pero grabe naman yung panaginip ko, or should I even say na bangungot because that f*cking crazy.

Mababaliw siguro ako paglaging ganito p*tang*na wala kong choice kung hindi ang bantayan nalang ang sarili ko pag-gabi. Is there anyone out their na pwedeng mag paliwang saken kung anong ibig sabihin ng mga ito,

Buod ng mga kakaiba at misteryosong panaginip.

“Namatay ako sa hindi maipaliwang at hindi malamang dahilan then nabuhay ulit ako. Hindi ito katulad ng kay Cardo Dalisay ng Ang Probinsyano na sa sarili nyang katawan nagkakaroon ng malay. I’m reincarnated as a butterfly for goodness sake. And then I landed on a girl hand, creepy sya kase blurry yung mukha nya. While she was wondering and amaze at the same time, there is a familiar voice that called her. As she goes inside their house, iwinasiwas nya ang kanyang kamay and I have no choice kung hindi ang lumipad, lumipad papalayo at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga pakpak. I ended up in a spider web, sa kasamaang palad ako lang naman ang masarap na magiging hapunan ng gagambang ito mamaya.”

Ayon sa teorya ni Charles Darwin na “Survival of the Fittest”, ang malalakas lamang ang may kakayahang magpatuloy. We have no choice but to be strong for ourselves. Marahil ay ganito palagi ang magiging takbo ng buhay, sapagkat ang unang indikasyon na tayo ay humihinga ay ang pag-iyak. Gaano man katinding pinsala ang iniwan ng ating pagkawasak, gaano man kahalaga ang mga nawala at lumisan na minsan sa atin ay nanatili. Kahit nagbago na ang karamihan, ang pagkatao at ang minsan nating nakagisnan, manatili sana tayong malakas at nagpapatuloy. Kahit sarili na lamang natin ang ating kakampi, kahit tayo na lamang ang nakaka-alam sa mga tahimik nating laban.

Isipin nyo na ang gusto nyong isipin, pero that’s the thing that came up to my mind, that’s why I’m asking for someone’s opinion to solve the mystery.

The other day, its almost the same. Kinakabahan ako, gusto kong kumonsulta sa mga eksperto dahil ganito na naman. Hindi ako baliw at lalong hindi ako adik, pero baka naman may makakapag paliwanag sa inyo ng mga panaginip ko,
“Anak ka ng isang Congressman at ako naman ay trabahador ninyo. Nagtama ang ating mga mata at iisa ang tibok ng ating puso. Tayo ay nagmamahalan, at hand among iwan ang nakagisnan mong buhay para sa akin. Mali man, pero itinago natin ang ating relasyon sa takot nating malaman ng lahat. Ngunit walang sikreto na hindi nabubunyag, nalaman nila ang katotohanan. Ipinadala ka nila sa ibang bansa kaya kalian man ay hindi na tayo nagkita. Palagi akong nangungulila sa iyo aking giliw, pinapatay ako ng lungkot. Talaga bang pasakit at pagkabigo ang sukatan ng pag-ibig?”
Sino kaba?

Ano ang kaugnayan mo sa buhay ko?
Napakaraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan at alam kong malabo itong masagot, magkaganun pa man matatanggap ko kaya ang kahulugan ng mga ito?
Kung sino ka man, ano ang kaugnayan mo sa buhay ko?

Parang palaging may hindi tama na namamagitan sa ating dalawa. Kung sino ka man, sana masagot ang katanungan ko kung bakit malabong magkrus ang ating mga landas.

Sapagkat kailangan ko ng kasagutan upang matapos na ang kahibangan kong ito dahil hindi ako nababaliw ayaw ko lamang tayong magtapos na parang nanlamig na kape,

Ayaw ko lamang tayong magtapos na tila mga napabayaang papel at panulat.
Mga sailtang hindi magtutugma.
Gitarang kalian man ay hindi na makakalikha ng musika sapagkat namamanhid na ang kamay ng kanyang amo.

Mga ala-ala ng kahapon sa dating tagpuan.
Mga paboritong kantang hindi na inaawit.
Kung sino ka man
Ibulong mo sa akin ang mga kasagutan, ipatangay mo ito sa hangin, sambitin mo ito sa iyong mga panalangin. Dahil parang hinahrangan tayo ng tadhana.
Maghihintay ako sap ag-dating mo.
Kapag nandito kana,
Sasayaw tayo sa ritmo ng paborito nating kanta

Gagawa tayo ng masasayang ala-ala.
Magkahawak tayo ng mga kamay at hinding-hindi na kita iiwan.
Dahil ang tapat at totoong nagmamahal ay naghihintay at nananatili.

LIFETIME Where stories live. Discover now