Handa na akong tapusin ang araw na ito.
Gusto ko ng matulog, pero minabuti kong tignan ang graduation picture ko. Salamin ito ng lahat ng pagod at hirap, malapit na ako sa aking mga pangarap. Sa loob ng lagayan ay nakakita ako ng isang papel, may sulat na nakapaloob ditto, galing kay Elarya.
Taimtim ko itong binasa at parang naririnig ko ang kanyang mga tinig.Ika-6 ng Abril 2020
Lucio,
Palagi kong tinatanong ang aking sarili, sa dinamirami ng pupwede kong mahalin at bakit nga ikaw pa? Napakalayo mo sa pinapangarap kong lalake. Hindi ko alam kung anong panggagayuma ang ginawa mo sa akin pero hindi ko na kaya pang maitago ang nararamdaman ko. Nahanap ko ang kasagutansa piling mo. Ang pagbibigay mo sa akin ng lakas upang harapin ang mga takot at pangamba, sa paniniwala sa kakayahan ko, sa muling pagpapaniwala sa akin sa kakayahan ng pag-ibig.
Tinanggap mo ako ng buo, at dahil sayo ay mas lalo kong minahal ang aking sarili. Kahit hindi ko inasahan na sayo pala ako tuluyang mahuhulog. Pero malayo man ito sa aking pangarap, masaya akong mahanap ka, masaya ako sa piling mo.
Wala akong papagsisihan.
Maraming salamat sa panahong nanjan ka. Nanjan ka sa mga panahon na wala akong makitang liwanag sa daan. Nanjan ka at nagsilbing bangka sa mga panahong nalulunod akong mag-isa sa karagatan ng kalungkutan. Nanjan ka at nilabas mo ang iyong dalawang pakpak, muli mo akong pinatunog ng isang malakas na halakhak. Sa ugali mo, isang malakas na aabot sa langit at kung lumagapak sa lupa at di na makabangon ay nanjann ka at iaabot ang iyong mga kamay. Para iahon ako at muli akong makalipad. Makalipad sa kalawakan na puno ng kasiyahan, sa kalawakan kung saan dito ako iniwan ng ideya na kaya kong mag-isa. Pero nandito ako ngayon, buhay at lumalaban, nakikita ang Kalayaan.
Kalayaan sa lahat ng problemang pinagdaanan, Kalayaan sa mga ayaw ng maramdaman. Kalayaan sa mga salitang binitawan. Higit sa lahat Kalayaan mula sa nakaraan.
Maswerte akong nakilala kita, sa ilalim ng karagatan ng mga bituin, nag abot ang ating mga palad. Ngayon ay kaya ko ng magningning na parang mga tala sa kalangitan.
Mahal kita Lucio at sigurado na ako sa aking nararamdaman.
Walang katiyakan ang bukas at hinaharap, kaya kung may gusto kong makuha o abutin ay kailangan mo itong pagsumikapan. Alam ko na hindi tiyak ang mga araw na paparating at itoy nakakatakot pero sa tingin ko ay mas nakaktakot kung hindi ko susubukan, mas nakakatakot kung hindi makikita at makakasama sa mga araw na posible nating tahakin sa buhay na ito. Dahil kung dadating ang bukas at may hatid itong bagong pag-asa at pagsisimula, gusto ko na simulan ang mga bagong araw na ito kasama ka.
Mahal kita at sapat na ito upang makalimutan ko ang lahat ng takot, pangamba at sakit. Mahal kita at sapat na ito upang makalimutan ko na kinamumuhian ko ang aking sarili.
Mahal na mahal kita Lucio.Ang babaeng tuluyan mong napaibig,
ElaryaGising pa ako pero para na akong nananaginip. Isang pangarap ko na naman ang natupad, hindi mo ito pagsisisihan Elarya.
Mahal na mahal kita.

YOU ARE READING
LIFETIME
Romantik"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"