KABANATA 5

15 2 0
                                    

I do Father
Nagpalakpakan ang lahat na para bang hinihintay nila ang tagpong
“you may now kiss the bride”
Ang saya nila para sa atin
Kaisa natin silang magdiwang
At biglang
Lucio recess na. Buti nalang hindi ka nakita ni Sir na natutulog sa oras ng klase nya.
Una sa lahat Elarya, puyat ako tapos napaka-aga ng pasok. Kaya ganun talaga ang kakalabasan, huwag kang mag-alala masasanay ka din sa akin.
Kain tayo? Tanong mo, tara sagot ko.
Kaya, agad kong inayos ang sarili ko upang sumama sayo sa cafeteria sa kadahilanang hindi ako ganong kapamilyar sa ating eskwelahan.
Kilala ka at popular
Samantalang ako ay namamangha kung paano ka nila itrato.
Para akong bata na umaasa sa gabay mo ng mga sandaling iyon, at alam ko na kung mawawala ako sayong paningin ay agad mo akong hahanapin.
Napakadami mong kwento
Tungkol sa lahat ng karanasan mo sa eskwelahan, hindi ko alam kung kaya ka nagkukwento ay dahil para maging komportable ako sa paligid habang kasama ka o baka maingay ka lang talaga at masayang kasama.
Elarya hindi ko man aminin at masabe ay kampante ako at komportable sa presensya mo. Ngayon lang ulit ako kumalma na para bang nasa sarili kong tahanan
Ngayon lang ulit ako sasaya
Sana
Sa piling mo
Dahil nagmimistulang Paraiso at paborito ko ang isang lugar basta kasama kita, kahit minsan kabaliktaran ito sa nangyayari.
Dahil palagi tayong nag-aaway, siguro ikaw ang babaeng kabaliktaran ng makakatuluyan ko.
Pero mas maganda kung ikaw mismo
Dahil hindi natin alam at hindi natin mahuhulaan ang kakahinatnan ng hinaharap. Dahil mapaglaro ang pag-ibig at tadhana, pero handa akong lumaban.
Bumalik tayo sa classroom
At napakabili ng oras
Sabay na rin tayo nagtanghalian
Tapos tuloy-tuloy na ang klase
Habang naglalakad tayo pauwi ay sinabi ko sayo, napakaganda mo at wala akong lakas para pigilan ang sarili ko na hindi mahulog sayo.
Natigilan ka
Hindi ko alam ang reaksyon mo
Biro lang e wika ko, mas lalaki kapa nga saken. Bigla mo akong sinuntok ng malakas sabay sabing gago ka, ang yabang mo. Kapag ikaw nahulog saken hindi kita sasaluhin para maalis ang yabang mo sa katawan. Nagtapos ang isang maganda at mahabang araw kasama ka.
Kinilig ako at kinabahan, paano nga kung ganun ang mangyari? Ayaw kong mabuhay sa bugbog ang aking hinaharap.
Nakakatakot
Pero hindi ko ito ipinahalata,
Nakakatakot pero gusto kong subukan, gusto kong maranasan. Baka ikaw ang susundo saken sa inuman tapos batuhan tayo ng plato.
Maninindigan ako sa aking damdamin dahil masalimuot at malungkot ang buhay kung hindi kita makakasama.

LIFETIME Where stories live. Discover now