KABANATA 6

20 2 0
                                    

Napakabilis ng panahon.
Parang kalian lang ay kakalipat ko palang ditto. Hindi ko napapansin na pamilyar na ako sa paligid at bahagi na rin sila ng aking pamumuhay. Nakahanap ako ng bagong tahanan sa bagong mga taong nakilala ko.
Marami tayong away at tampuhan, pero sa tingin ko ay kaya na kitang paamuhin. Huli ko na ang kiliti mo, kailangan lang dalhan kita ng paborito mong pagkain maalin man sa,
Japanese cake
Bibingka
Jollibee Supermeal
At milktea

Effective sya dahil madaming beses na akong sinagip ng mga ito sa suntok at simpa pupwede kong tanggapin mula sayo.
Marami tayong kwento at hinaing na napagsaluhan sa likod ng paborito mong pagkain, kung paano ka at gaano ka naiinis sa akin. Sa ating naging paboritong tambayan, sa ating mga naging paboritong kanta. Marami tayong masasayang ala-ala na magkasama.

Minsan mapapatanong nalang din ako sa sarili ko kung anong ginawa mo sa saken to make me go this crazy for you. Oo alam ko na wala pa sa isip mo ang pagpasok sa isang relasyon,
Pero sana,
Baka sakali,
Baka pwede nating subukan.

Dahil baka natalo ako, baka hindi ko na kayang magbiro sayo. Kase gusto kitang seryosohin, at oo gusto kita at patuloy pang ginugusto. Pero sa ngayon, parang idinadaan ko na nga lang sa mga biro at pang aasar dahil nauunawaan ko ang sitwasyon, nauunawaan ko na desidido kang tuparin ang iyong mga pangarap.
Habang ako ay pinapangarap kita
Na ang damdamin ko ay bigyang pansin
Na ikaw ay mapasakin
Na ikaw ay makapiling

Syempre bilang ikaw ay isang palaban ay sinakyan mo naman ang mga biro ko. Dumating nga sa puntong hindi ko alam kung seryoso kana sakin, kung may pag-asa ba ako sayo o wala.

Pero kase nae-enjoy ko naman ang mga biro mo na parang may something na nagtatago sa likod ng mga salita. Na baka gusto mo din ako,

Na baka mahal natin ang isat-isa.
Gumana na naman ang imahinasyon ko, pero malay nga naman naten diba. Baka trip mo din ako, baka ito yung happy ending na hinihintay naten. Alam ko na masyado pa akong bata para maniwala at mangarap ng isang totoo at busilak nap ag-ibig ngunit hindi mapipigilan ang puso kung nakatakda itong magmahal.

Totoo palang ang pag-ibig ang tanging pwersa na magtutulak sa atin para magpatuloy.

Nakalampas na tayo ng preliminaries, midterms at finals. Syempre I have my word na lampasan ka pero you are competitive enough para idefend ang titolo mo. Magaling ka, napakagaling.
Pauwi na tayong dalawa at naisipan nating bumyahe dahil na rin sa sobrang pagod. Napakadami kaseng requirements at hinahabol na deadlines. Para tayong magkasintahan na pinagtitinginan ng mga tao.

Habang sa byahe pauwi
Mapayapa kang nakatulog sa aking balikat
Napakaganda mo elarya, nakakabighani
Kung babalikan ko ang mga lugar na minsan nating tinahak ng magkasama ay mababasa ko ang saya at ganda ng ating mga pinagsamahan. Masaya akong gumagawa ng mga ala-ala sa lugar na hindi ako pamilyar habang kasama kita.
Maituturing ko itong tahanan,
Ikaw ang paborito kong hantungan.

LIFETIME Where stories live. Discover now