Who would have thought that I’ll end up with that barbaric girl? O baka naman ito ang nakatakda or itinakda naming mangyare.
Sa ibat-ibang paraan ko ipinapakita na mahal ko sya,
Sa pang-aasar
Pag-iingat
Pag-aalala
Pag-papaalala
Pagtatanong kung kumain na ba sya
Pagsuporta sa kanya sa lahat ng bagay.All this time sa kanya ako, sa kanya akong tapat na umiibig, sa kanya akong tapat at palagi ko syang pinipili. Nauunawaan ko na ang lahat, ang lahat ng nangyari at mga panaginip. Buti nalang, naging matapang kaming pareho upang ipaglaban itong damdamin. Ito marahil ang paalala na kailangan nating subukan,
Kailangan nating maging matatag,
Kailangan nating maging matapang
Kailangan nating lumabn,
Kailangan nating sumugal at mag baka sakali.Baka sakaling manalo, baka sakaling magbunga ang mga pinaghirapan, sapagkat palaging nagkukrus ang ating mga landas na tila ba may humadlang ditto. Pero babaguhin natin ang nakatadhana, tayo ang magtatakda ng nakatadhana.
Tayong dalawa, habang buhay, nagmamahalan.Ikaw ang kahulugan ng mga panaginip. Marahil sa panahong ito at tama na ang lahat at sasangayon na sa atin ang pagkakataon. Pagkatapos ng matagal na paghihintay at pagtuklas sa hiwaga mong dala sa akin nais ko na lamang tuluyan na mamalagi sa iyong piling.
Mas higit ito sa pelikula at palabas sa telebisyon, dahil ang matagal ko palang hinahanap ay matagal ko na palang kapiling. Hindi ko alam kung mali ang mag-hangad ng labis o ang higit na pagkakamali ko ay hindi ko namalayang nasa iyo na pala ang sapat at walang papantay na kasiyahan.
Napatunayan nating hindi pasakit at pagkabigo ang sukatan ng pag-ibig, bahagi lamang ito ng kabuuan ngunit kaakibat nito ang pag-unawa, paghihintay, pagbibigay at pagpapatawad. Dahil sa sandaling natiyak ko na akoy umiibig sayo ay hahayaan ko ang sariling maubos upang mapunan ang minsan mong pagkukulang, mahl kita ng higit dito, mahal kita ng higit pa sa iyong kapintasan.
Sa tagpong ito, binago natin ang tadhana. Pinili natin ang umibig at maging masaya, kailanman ay hindi natin ito pagsisisihan, ikawang pinakamagandang parte ng lakbaying ito, ang bahagi na aking babalikbalikan ng may ngiti sa labi. Masaya akong ikaw ang aking hantungan.
Masaya tayong magsasama at lilikha ng magagandang ala-ala,
Ang paro-paro ay patuloy na lilipad upang ipakita ang taglay nitong ganda,
Patuloy na makakalikha ng magagandang musika ang nakabinbin na gitara,
Hindi na kailanman magtatago ang totoong mangingibig,
Mananatili sa puso ang mga ala-ala na minsang isinulat ng mga papel at pluma,
Mabubuhay tayong kasama ang ating masasayng sandal,
Habang sumasayaw tayo sa ritmo ng pag-ibig.
Ito ang tagpong aking hinihintay, natagpuan na ang mga hinahanap, nasagot na ang lahat ng katanungan at talinhaga, tiyak na ang pagbabakasakali, tiyak ng tayo ay umiibig.
Hayaan nating magsimula at magtapos ang bagong kabanata,
Wala ng pagdududa, hayaan mong mabuhay tayo sa hiwaga ng pag-ibig. Ngayon na nandito kana sa piling ko, ang katuparan ng mga pangarap.Araw-araw kitang mahal Elarya at hindi ko ito pagsisisihan.

YOU ARE READING
LIFETIME
Romansa"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"