KABANATA 39

3 0 0
                                    

Sa lalaking sasagip kay Elarya mula sa kalbaryo ng pag-iisa,

maraming salamat.

Alam ko na darating ang araw na ito at matagal ko na rin itong nakita. Habang nag-aabang ka sa harap ng altar para sa isang animoy anghel na bumaba mula sa langit. Isa ito sa magiging pinaka masayang araw ng inyong buhay. Pero hindi mapipigilang maglaro ng mga ala-ala ng nakalipas.

May isang tao na dadating upang mahalin palagi ang aking anak. Sa kabila ng kanyang kapintasan, tatanggapin nya ito na para bang nahumaling sya sa isang obra maestra na nakalagak sa isang museo. Isa syang talinhaga na tanging ang may lakas ng loob lamang ang magtatangkang sumagot.
Ikaw ang magiting na binatang ito Lucio,
Alam ko na nabighani ka sa ganda karikitan ng kanyang mukha pero hindi natin maikakaila na mas nahumaling ka sa ganda ng kanyang pagkatao. Na ang miminsan nyong pag-uusap ay masusundan at nasusundan pa ng napakaraming mga kwento na tila inilimbag nyo ito para sa isat-isa.

Mabilis na tumatakbo ang oras at hindi nyo namamalayan na lumalalim ang ugnayang nabubuo. Kaya naman nauunawaan ko ito, nab aka ikaw ang lalaking magbibigay ng ibang pakahulugan sa nakagisnan nyang pag-ibig.

Sinanay ko sya sap ag-iisa upang hindi nya na ang kasiyahan ay nakadepende sa ibang tao. Kaya nyang maging malakas dahil madami syang laban na naipanalo na sya lamang ang nakaka alam. Ninakawan ko sya ng kasiyahan kaya mapagkunwari ang kanyang mga ngiti. Kaya laking tuwa at pasasalamat ko na para bang may magtatangka na iguhit itong muli sa kanyang maamong mukha. Unti-unti ay nagkakaroon na ng kulay ang malalam nyang mundo, nagliliwanag na sya na parang mga bituin sa nakagisnan nyang kadiliman.

Hindi ka aabot sa mga sandaling ito kung noong una pa lamang ay isinuko mon na ang lahat. Dahil nakagawa ka ng palasyo mula sa kanyang mga gumuhong bahagi, ikaw ang naging tanglaw nya at gabay.
Bukod tangi ka at may paninindigan.
Sinanay ko sya sa kakaibang anyo ng pag-ibig. Ang pag-iisa at pagiging malakas. Kaya ang hiling ko sayo ay paka ingatan mo sya at mahalin,
Ipagmalaki,
At protektahan.

Samahan mo sya sa mga araw na kahit sya ay hindi nya maintindihan ang kanyang sarili. Iparamdam mo sa kanya ang mga bagay na hindi ko nagawang iparanas. Iparamdam mo sa kanya ang pag-ibig na kailanman ay hindi nya pagdududahan.
Kaunting oras na lamang ang bubunuin ko sa daigdig at kapag ako ay tuluyan ng lumisan, mananahan ako sa inyong mga ngiti at ala-ala.

Gabayan mo sya at mahalin.
Ipinagkakatiwala ko na sayo ang isang magandang bahagi ng aking buhay.
Ingatan mo ang aking prinsesa.

Nagmamahal,
Mama Selina.

LIFETIME Where stories live. Discover now