Curiosity often leads us to trouble, so as the idea of being in love. We are undeniably the pain in each other ass but I know we are more than that.
Lucio,
Inilimbag ko ang liham na ito habang nakatitig sa ganda ng buwan at kislap ng mga bituin. Dumapo sa aking kamalayan na kylangan kong humingi ng pagsamo, ang paghilom, kailangan kong patawarin ang aking sarili. Ang pagpapatawad sa aking sarili ay ang tuluyang pag gamot, ito ang tuluyang paglimot.
Paglimot sa aking pagdududa at pangamba.
Kaya para sa aking unan,
Nais kong magpasalamat sa iyosa pakikinig sa aking pinakatatagong mga kwento, sa king pinakatatagong mga sikreto. Sa bawat pag-iyak at mga halakhak na nais kong ilihim sa mundo ay nanjan ka. Ikaw ang mas nakakaalam sa anino ng aking pagkatao, ang aking mga lihim, kapintasan at pangarap. Ngunit patawad sa mga luha at hagulgol. Sa bawat pighati na ikinukubli sa matamis na ngiti at pagdaramdam, sa patuloy na pagdaloy at pagpunas ng luha sa iyo. Patawarin mo ako, sa kabilang banda ay salamat para sa mga ito.
Para naman sa aking sarili,
Kamusta kana? Nais ko lamang malaman kung maayosa ngiyong kalagayan. Matagal na rin ng huli kitang nakita na masaya, yung natural na ngiti. Ngunit wag mo sanang isipin na nalimot kita, naaliw lamang ako sa pansamantalang saya at pagpapanggap. Nabilanggo ako sa lungkot, sa pighati at salimuot ng salita na mapaglaro ang pag-ibig at napabayaan kita dahil sa aking takot. Ngayon na makakalaya na ako sa lungkot ng kahapon at sa sakit paglimot, akoy nangangako na sasamahan ka hanggang sa iyong tuluyang paghilom, hanggang sa makabalik ang kakayahan na magmahal ng lubusan.
Gayun din sa aking mga paa,
Alam ko na pagod kana sa pagparoon at pagparito, sa paghahanap ng tuluyang panglunas sa aking pagkawasak. Pero patuloy kang bumabalik sa pagdududa at lahat ng pananakit ng nakaraan. Sa patuloy kong pagsubok na kumawala pero palagi kang nagpapapigil. Patuloy kang naglakbay kasama ang lungkot at sarili kong pighati. Sana ay mahanap na natin ang paglimot sa paglalakbay, paglimot sa sakit, paglimot sa nakaraan, paglimot sa pagkawasak. Salamat sa mga narating ko sa tulong mo.
Sa aking tiyan,
Dispensa sa patuloy na pagbisita ng mga paro-paro sa iyo. Dulot lamang ito ng aking kababawan sa mga hindi maipaliwanang na dahilan. Pasensya para sa mga nasayang na oras, sa mga sandal na parang nasa ulap. Paumanhin dahil hinayaan kong matangay ako ng mga ito patungo sa alapaap na akala koy duon ako mananatili pero iniwan ako ng sarili kong paniniwala na hindi ka palaging sasagipin ng pag-ibig. Pawing ilusyon lamang ang lahat, salamat sa ideya ng masayang pagkawasak, salamat sa lamat.
Sa aking kamay na hindi makaramdam ng ngalay sa pagsisimula nitong magsulat ng mga rason kung bakit ikaw ang aking pinili.
Sa aking mga mata na muli mong tinulungan na matunghayan ang ganda ng buhay.
Sa aking tenga na hinaharana ng boses mo na mistulang musika.
Sa aking utak, sa patuloy kong pagpapapigil sa mga duda, takot at pangamba.
Sa aking puso, patawad sa dinulot kong pagkawasak. Sawa na akong tunghayan ang iyong patuloy na pagkapira-piraso. Wala kang kasalanan, inosente ka sa lahat ng naganap, sa pagkasalanta na aking nahanap. Ngayon ay dahan dahan ng nagkakakulay ang malamlam nating mundo.
Sabi nila hindi ka lubusang umibig kapag hindi ka nasaktan, susugal ako at magbabaka sakali
Kaya sa pagkakataong ito ay hindi ko sana pagsisihan ang aking desisyon. Pakaingatan mo sana ng lubusan ang aking puso.
Lubos na nagmamahal,
Ang babaeng ayaw matunghayan ang sarili nyang pagkawasak.Naririnig ko ang boses nya habang binabasa itong sulat, napakaganda, makabagbag damdamin.
Hindi lamang basta mga liriko at tula ang kaakibat ng pag-ibig. Kakambal nito ang sakripisyo at paghihirap. Ang paglago bilang indibidwal at bilang isang marangal na tao. Hindi ko na mapigilan, nag uumapaw na itong damdamin.
Hayaan mong ingatan kita at mahalin,
Hindi mo ito pagsisisihan Elarya.

YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"