KABANATA 35

4 0 0
                                    

Talaga ngang hindi palagi saya lamang at kilig ang dadalhin sa'yo ng isang relasyon. Sari-saring emosyon ang posible mong maranasan. Ang pakiramdam na para kang nasa alapaap kasama ang minamahal mo.
Perpekto ang lahat.
Ngunit taliwas ito sa reyalidad. May emosyong nakalimutan ko ng maramdaman. May bahagi akong dahan-dahang namamatay dahil sa pananatili. May bahagi sa sarili kong hindi ko na magagawang maintindihan.
Ang nasisigurado ko lamang ay mauunawaan natin na bahagi ng pananatili ang paulit-ulit na kwentuhan. Ang nakakasawang update sa paborito mong series sa Netflix.
Ang mga gabing hindi tayo pinapatulog ng mga naganap na tampuhan at pagpapatawad.
Mga walang katapusang argumento sa ultimo maliliit na bagay,
Kung saan tayo kakain,
sa bawat ikaw ang bahala
Mga bakit dito ulit?
At kada dapat alam mo na ang tagal na nating magkasama diba.
Mamarapatin ko na lamang na manahimik. Alam ko naman na wala akong magagawa sa lambing mo. I can't even stand on my words, dahil kapag ikaw ang pag-uusapan ay hindi na ako mapakali.
Masyado akong napaniwala sa mga happy endings, kdrama at kung ano-anong pelikula, masyado akong humanga sa obra ni Nicholas Sparks. Malayong malayo ito sa totoong buhay at mga plot twist na nababasa ko at napapanuod sa telebisyon at libro.

Ang nasisiguro ko lang sa'yo ay mahal kita.
Ngayon,
Bukas,
Mamaya,
Palagi.

Kahit sa panaginip, kahit sa susunod kong buhay.

Masyado siguro akong nabulag sa ideya ng kileg at kasiyahan ang dahilan kung bakit ka mananatili. Pero may mas higit pa don. Makikilala pa siguro namin ang isat-isa.

Hawak kamay kaming naglalakbay sa walang kasiguraduhan. Pero paano kung gustuhin ko ng bumitaw?
Ngunit pag ginawa ko yun para ko na ring tinalikuran ang lahat ng pangarap ko.

Ngayon magkasama kame,
Mahal ko sya at wala akong pinagsisisihan. Kahit may nga sugat syang dinala sa akin at tuluyan ko na itong nagamot ng hindi nya nalalaman.

Naniniwala ako sa kanya,
Sa hinaharap ay hahayaan nya akong makatungtong sa mga bahaging itinago nya sa akin, sa mga bahaging kinamumuhian nya pero tuluyan ko ng niyakap.
Isasantabi ko na lamang ang pagkikibit balikat nya sa akin at pambabalewala. Dahil may bahagi sa akin na minsan ng namatay sa pananatili. Alam ko na sa pagsagip sa'yo sa kalbaryo ay unti-unti akong nagiging pamilyar sa kawalan pero sinisikap kong bumalik sayong piling Elarya.

Buong puso akong nagtitiwala sa'yo. Alam ko dadating ang panahon na masasabi nating sulit ang lahat.
Na nagawa natin ng magkasama.

Buong puso pa rin akong nagtitiwala sa'yo at Nagmamahal,
Kahit na mahirap,
Kahit na ilang beses mo na akong winasak,
Sa paulit-ulit na rason.

Pero mahal kita kaya iibigin kita na parang hindi mo ako masasaktan at sa paraang kunwari hindi pa ako nakakaranas ng sakit o galos at sugat.
Alam kong mahirap,
Mahal kita kaakibat nito,
Dahil bukod tangi ka sa karamihan.
Sana maunawaan mo na noong nagdesisyon akong mahalin ka ay tinanggap ko na ang lahat ng pwedeng maging kapalit nito.
Sakit,
Saya,
Lungkot,
Pagkabigo,
Pagmamahal.
Itinaya ko na ang lahat kahit alam kong malapit na akong maubos,
Sa pagkakataong ito magawa mo na sanang lumaban para sa atin.

LIFETIME Where stories live. Discover now