KABANATA 26

4 1 0
                                    

Lucio paano pag bigla akong nawala?
Hindi ko alam, siguro kukwestyunin ko ang sarili ko kung bakit hindi nagawa ang mapanatili ka sa aking piling.
Binalot tayo ng katahimikan, ramdam ang lungkot sa paligid.
Nagsalita ako,
Bakit pa tayo nagplano ng magkasama kung ganito pala ang mararamdaman mo?
Paano na yung bahay?
Yung travel?
Yung mga lulutuin ko na mga paborito mo?
Yung pag-aalaga ng aso’t pusa?
Yung hindi natin pagpilit sa mga bagay na dapat magustuhan ng mga magiging anak naten?
Bakit?
Sagutin mo ako.
Bakit pa tayo nagplano kung may sarili ka palang desisyon at kagustuhan.
Hindi mo ako naiintindihan Lucio, kaya nga sabihin mo saken, ipaliwanag mo. Hindi ako ganung Katanga para hindi kita maintindihan, o hindi mo na ako mahal kaya hindi mo na ako maintindihan?
Mahalaga ka tugon mo,
Pero magkaiba ang mahal at mahalaga.
Natigilan tayong pareho,
Talaga bang ganyan ang iniisip mo?
Mahalaga ka alam mo yan, pero hindi ko pa nakikita ang sarili ko na committed sa isang relasyon. Pero sinusubukan ko,
Kaya nga sinusubukan ko,
Para sayo, para saten.
Kase ayaw kong matulad kay mama, ayaw kong maging miserable. Alam ko, nakikita ko at nararamdaman na mahal moa ko, pero hanggang kalian?
Hanggang kailan ka sigurado?
Hanggan kalian ka mananatili?
Wala akong maisagot sayo. Ang bigat sa pakiramdam, para bang pinipigilan kame ng tadhana, nakakainis, nakakapatanong kung ano bang nagawa kong mali para pagmalupitan ng ganito?
Oo Lucio, salamat at mananatili ka. Mahalaga ka at hindi ko kayang mawala ka, pero mas natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Sabi nga sa tula ni Juan Miguel Severo, ayaw ko ng maging mahalaga, ang kailangan ko ay mahalin. Pero wala naman akong magagawa.
Niyakap kita ng mahigpit pagkatapos kong punasan ang iyong mga luha, pinapakalma kita, binibigyan ng kasiguraduhan. Mananatili ako sa mga araw na walang katiyakan dahil mahal kita at bukod tangi ka sa lahat.
Niyakap mo akong pabalik, sapat na ito upang pawiin ang bigat ng nararamdaman ko.
Elarya mahal kita at tanggap ko ang lahat ng tungkol sayo, mahal ko ang bawat bahagi sayo, kahit ang parte na kinamumuhian mo. Kalmado kana sa mga sandaling iyon, ako naman ay parang nadudurog. Habang binabagtas natin ang daan patungo sap ag-uwi ay may mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
Gusto kong alamin at hanapin ang dahilan kung bakit nagdududa ka sap ag-ibig. Kahit ganun pa man pinili ko ang mahalin ka ng walang hinihiling na kapalit, kaya mananatili akong nagmamahal sayo. Hindi kita aabandunahon kahit ang kaakibat nito ay maubos ako at masaksihan ang sarili kong nawawasak. Dahil ikaw ang tahanan ko at pahinga sa masalimuot at malungkot na mundong ito.
Gagawin ko ang lahat upang manatili dahil hindi ko kaya ang mawala ka.

LIFETIME Where stories live. Discover now