KABANATA 9

12 1 0
                                    

Patay, hindi gumana ang alarm ko. Si mama hindi man lamang ako ginising, hindi nya ba alam na mahuhuli ako sa eskwela?
Nataranta ako at hindi malaman ang tamang gagawin.

Kalma self,

Aabot ka sa tamang oras.

Tumakbo akong mabilis papalabas ng kwarto upang mag-ayos ng sarili dahil late na ako. Hindi na ako nakakain ng maayos at hindi man lamang ako nakapag kape.

Adrenaline rush ang sumapi sa akin ng mga oras na iyon. Dali-dali akong nag suot ng uniporme at habang lumalanbas sa kwarto ay nagsusuklay.

Napuyat akong kakaisip sa bwisit nay un ah.
Papasok na kaya sya?
Pero tinawanan lamang ako ni mama na para bang nang aasar, ayaw pa yata akong bigyan ng baon.

Ma, late na ako!
Sabado ngayon anak,

Diba hindi na kita sinawayng nakita ko na disoras ng gabe ay gising kapa. Tinatawagan pa nga kita para kumain pero sabi mo ay busog kapa. Sabi mo kumain kana bago umuwi kase sobrang pagod mo at ang lungkot mo pa. Akala ko nga may nang away sayo pero sabi mo pagod ka lang talaga. Nagpaalam kapa sakin na maaga kang magpapahinga kase nga pagod na pagod ka.
Kaya nagtaka rin ako kung bakit gising kapa e halos hating gabi na. Kaya ngayong umaga hindi na kita ginising para makabawi ka ng pahinga.

O maupo ka at kumain ng maayos.
Ano ba o sino ba ang iniisip mo?
School programs?
Deadlines?
Boyfriend?
Ma, wala akong boyfriend.
Eh ano ang iniisip mo?
Surot ma, may surot sa school namen. Nakakairita na, para syang si klein na walang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako.

O sya sige, kumain kana at magkape. Iwan mo nalang jan sa lababo yang mga kinainan pagkatapos mo para makapagpahinga ka.
Ang sarap sa pandinig, naniniwala na akong may himala.

Pumasok na ako sa kwarto para tuluyang magpahinga. Badtrip kase hindi ko naalala na sabado na pala o badtrip kase ang tagal ng wala ng surot na yun at wala akong balita sa kany? Di bale na nga lang, gagawin ko nalang na busy ang sarili ko. Tatapusin ko lahat ng mga requirements at assignments na ipapasa para sa Monday.
Pero kamusta kaya sya?

Fvck this,
Bakit ako nagkakaganito?
Anak may naghahanap sayo, Lucio daw.
Ano?
Si Lucio?
Dadating dito?
Prank ba yan Ma?
Hindi dadating yung surot na yun dito Ma, imposible yan.
Nak may naghahanap sayo.
Ito yata yung surot na sinasabe mo, infairness malakas ang dating nya.
Part pa rin ba ng panaginip ito? Nahihibang na yata ako para managinip ng mga ganito, si Lucio nandito ngayon at hinahanap ako.
Sige ma, ayusin ko lang ang sarili ko. Syempre ayaw ko namang magmukhang kasambahay sa harap nya. Pero syempre dapat may pagka attitude pa rin ako. Lumabas ako at hinarap sya.
I have no choice but to do that.
Bakit?

Pwede mo ba akong tulungan na matapos ang mga naiwan kong Gawain? Kung hindi ka busy.

Si Lucio, humihingi sa akin ng pabor.
Nagpapatawa ka ba? Pataray kong sinabi.
Please Elarya!

Gusto kong magpahinga, pero yung nakita ko na nakikiusap sya is a different story. Hindi ko alam kung paano nya ako napapayag, para akong natutunaw sa sinseridad nya.

So pinapasok ko sya sa buhay ko, I mean sa bahay namen. Dala nya lahat at desidido sya na matapos ang lahat ng Gawain. He’s nice, at ramdam ko yun. Ang komportable namen sa isat-isa, malayo sa nakikita ng karamihan.

Payapa at masaya.

Syempre hindi maiiwasang magkwentuhan habang gumagawa. Nasabi nya sa akin na nagkasakit sya, anemic pala ang mokong kaya malulain. Tapos kung ano-ano pang bagay ang napagkwentuhan namen, kahit walang kabuluhan, pero masaya, ito siguro ang pahinga, sya ang pahinga ko.

At pagkatapos,

Wala na kong maalala.
Siguro part lang yun ng panaginip ko kase kanina after ko kumain e nagbalak ulit akong matulog. Ang sweet pala namen as a couple. Pero syempre biro lang.

Malayo ang pagktao nya sa school at sa labas. I could actually fall for him kapag palagi syang ganyan.

Pero ano kayang sunod na nangyari sa panaginip ko?

Nagising ako sa tawag ni Mama na kakain na daw ng hapunan. Oo kakagising ko lang at pagod na pagod ang pakiramdam ko, sobrang pagod ko pala this week. Tapos napaka haba at napaka unexpected ng panaginip na yon.

Dumalaw dito si Lucio at tinulungan ko syang gumawa at magkompleto ng mga requirements.

Pero ang gumulat sa akin ay ang sinabi ni mama,

Ang lakas ng dating nung surot na sinasabi mo anak, gusto ko sya para sayo.
Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala,

It fvcking really happen hindi ako pala ako nananaginip.

LIFETIME Where stories live. Discover now